^

PSN Showbiz

Mga bigating Pinoy magsisimula nang mag-agawan sa P1M

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharapin na ng 14 pares ng mga literal na bigating Pinoy ang pinakamatinding hamon tungo sa kalusugan upang baguhin ang kanilang buhay simula ngayong Lunes (February 3) sa pagsisimula ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.

Pangungunahan ni Iza Calzado ang reality show, habang magsisilbi namang challenge masters sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, at fitness coaches naman ang mag-asawang Jim and Toni Saret na gagabay sa contestants sa kanilang pagbabawas ng timbang.

Matapos lumibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang hanapin ang mga pares na may pinakanakaka-touch na kuwento, isa-isang ipapakilala ng  Biggest Loser Doubles ang 14 pares na may iba’t ibang ugnayan at kapupulutan ng inspirasyon.

Kasama sa mga kasali ang Chinese negosyante bro­thers na sina Ralph at Christian na gustong magpapayat sa paniniwalang mas rerespetuhin at seseryosohin sila ng kanilang mga katrabaho kapag mas malusog ang kanilang pangangatawan. 

Pareho namang maganda ang nurse sisters na sina Tin at Dianne, ngunit hindi pa nagkakaroon ng boyfriend dahil umano sa kanilang katabaan.

Nariyan din ang mag-asawang Carl at Kayen, na gustong tuparin ang kanilang pangakong maging mas mabu­ting asawa para sa isa’t isa at para sa kanilang tatlong taong gulang na anak.

Bonding moment naman para sa magkapatid na Bryan at Ikya ang pagkain, at parehong naniniwalang nagsimula silang tumaba noong nirekomenda ng kanilang doktor na uminom sila ng mga pampaganang gamot noong mga bata pa sila.

Gaya nila, lumaki ring mataba ang “happy and gay” na si Bien at ang best friend nitong si Mai, ang mag-officemates mula sa isang call center sa Cebu na naging matalik na magkaibigan dahil sa pareho nilang hilig na kumain at uminom.

May kanya-kanya mang mga pinagdadaanan sa buhay, parehong hangad ng magpinsang Lovely at Carol na maging malusog para sa kani-kanilang sarili at pamilya.

Tubong Davao ang kambal na sina Chrisfer at Chesfer, na gustong makapagbawas ng timbang upang tuparin ang pangakong binitiwan nila sa kanilang amang pumanaw na dahil sa labis na katabaan.

Pareho namang galing sa kilalang showbiz families sina Pat at Cathy. Si Pat ay anak ni Yayo Aguila at William Martinez. Si Cathy naman ay mula sa angkan ng mga Revilla. Kahit na nagtatrabaho ang kanilang mga magulang sa iisang industriya, hindi pa nila nakikilala ang isa’t isa at isa sa tinatawag na “stranger pairs” ng edisyong ito.

Mag-best friends ang ex-cheerleaders na sina Cherry at Randall na nagkakilala sa UST Salinggawi Dance Troupe, ngunit matapos ng college, nagkaroon na sila ng kanya-kanyang mga buhay at kapwa tumaba.

Sina Benzi at Ysai naman, naging magkaibigan matapos kapwa manalo sa isang beauty pageant para sa mga bigating babae na Bilbiling Mandaluyong 2012.

Inspirasyon naman ng isa pang “stranger pair” at gwapings na sina Francis at Andrew ang kanilang pamilya, lalo na si Andrew na gustong pumayat para sa kanyang girlfriend at magiging anak.

Bilang isang ina, paraan daw ni Mommy Osie na ipakita ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng paghahanda ng masasarap na luto na siyang ikinataba ng kanyang mga anak. Gusto     niyang itama ito sa pamamagitan ng pagsali sa “Biggest Loser Doubles” kung saan katuwang niya ang anak na si Nina.

Magtropa na nang 20 taon mula high school sina Tristan at Jepoy, ang pinakamalaki at pinakamabigat daw na miyembro ng kanilang barkada sa Tanza, Cavite.

Dating naadik naman sa droga si Biggie dahil sa desperasyon at matinding kagustuhan na pumayat, hanggang sa matuklasan ito ng kanyang kasintahan na si Valerie. Sa loob ng Biggest Loser camp, sabay nilang huhugutin sa isa’t isa ang ins­pirasyong baguhin ang kanilang mga buhay.

Sa unang linggo ng reality show, isang bagong twist agad ang matutunghayan sa tinatawag na pre-camp. Sa pre-camp ay hahamunin ang mga pares na magbawas ng timbang sa loob lamang ng 30 days gamit lamang ang sarili nilang pagsisikap.

Matapos ang 30 araw, magkikita ang 14 pares sa Timbangan ng Bayan para alamin kung sino-sino lamang ang may mga malaking nabawas sa pinagsamang timbang na siyang bubuo sa opisyal na hanay ng Biggest Loser contestants.

Sino kaya sa kanila ang magagawang magbawas ng pinakamalaking timbang at siyang mana­nalo ng premyong  P1  milyon, appliance showcase, P100,000 worth ng sports merchandise mula sa Toby’s, lifetime membership sa Gold’s Gym, isang kitchen showcase, at marami pang iba?

 

vuukle comment

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER DOUBLES

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

BILBILING MANDALUYONG

ISA

KANILANG

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with