^

PSN Showbiz

James Yap limang buwan nang hindi nasisilayan si Bimby

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Throwback episode ang mapapanood sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Maglalaban ang mga dancing duo ng na miyembro dati ng Abstract Dancers na sina Dino Guevarra at Arthur Solinap, sina Aira at Louise ng Sex Bomb at Wowee de Guzman at Jim Salas ng UMD.

Masaya ang pasiklaban ng dance moves na pinauso nila noon at sinabayan pa ng mga pa-cute at pakuwela ng sikat na JoGe tandem na sina Jose Manalo at Eugene Domingo.

PAK: Magkasabay na dumating sina Robin Padilla at BB Gandanghari sa block screening ng pelikulang Sa Ngalan ng Ama, ng Ina at mga Anak na ginanap sa The Podium Cinema sa Ortigas, Pasig City nung isang gabi.

Natawa na lang si BB nang tinanong sa kanya ang kumalat na balitang namatay raw ito sa AIDS (Acquired immune deficiency syndrome).

“Mababawasan ng magaganda sa Pilipinas!” tili ng dating Rustom Padilla.

Maingat daw siya sa ganyan kaya malabong magka-AIDS daw siya.

“Ang peg ko nga ngayon maging celibate na. Ang tagal ko nang wala sa ganun,” natatawa niyang pahayag.

Ang gusto raw niya kasi ay ibibigay daw niya ang katawan niya sa taong mahal niya.

BOOM: Limang buwan na palang hindi nakikita ni James Yap ang anak niyang si James Yap, Jr. o Bimby.

Nagpadala lang daw siya ng regalo nung nakaraang Pasko para sa kanyang anak pero hindi naman daw sila nagkita.

Natutuwa raw siya sa magandang resulta ng pag-aartista ng anak niya kaya okay lang kung ayaw gamitin ang apelyido niya sa pag-aartista ng kanyang anak.

Pahayag ni James, “Okay lang ’yun kahit anong gawin nila basta sa pelikula. Pero sa totoong buhay, sa tingin ko, parang hindi naman yata tama. Basta sa pelikula kung hindi niya gamitin, okay lang, basta sa totoong buhay apelyido ko.

“Sa pelikula, parang screen name ’di ba? Baka hindi nila type ang apelyido ko.”

Suportado naman daw ni James ang pag-aartista ni Bimby basta huwag lang daw mapabayaan ang pag-aaral.

vuukle comment

ABSTRACT DANCERS

ARTHUR SOLINAP

BIMBY

CELEBRITY BLUFF

DAW

DINO GUEVARRA

EUGENE DOMINGO

JAMES YAP

JIM SALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with