^

PSN Showbiz

Kristoffer walang effort ang daling naka-move on

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang bulung-bulungan na ang dahilan kaya mada­ling naka-recover si Kristoffer Martin sa break up nila ni Joyce Ching ay dahil  sa kapareha nito na si Kim Rodriguez. Sinasabi nga na hindi pa ito break kay Joyce ay  may nararamdaman na itong kakaiba kay Kim. Pero hindi concerned dun si Joyce dahil maging nang makatambal ni Kristoffer ay na-link din ito kay Julieann San Jose. Magandang pagkakataon lang siguro para sa batang aktor na nang maghiwalay sila ni Joyce ay may Kim siyang nagandahan. Hindi naging mahirap ang gamot sa sugatang puso.

Matapos ang maganda nilang pagpapareha sa Kakambal ni Eliana na kung saan  humigit pa sa friendship ang  sinasabing naging relasyon nila, magkasama silang muli sa isang mas daring na teleserye ng GMA, ang Paraiso Ko’y Ikaw. Kasama rin sa serye ang dating karelasyon ni Kristoffer na dedma lang sa pagtatrabaho nilang magkasama ng kanyang ex. Wala rin silang ilangan ni Kim. Hindi naman sila love triangle. Binigyan ito ng ibang kapareha sa serye, kaya walang silang pagkakataon na maging magkaeksenang madalas ni Kristoffer bagaman at sinabi nilang pareho na kahit maging magka-eksena sila ay magagawa pa rin nila ang kanilang trabaho. Isang bagong aktor ang kapareha ni Joyce, si Pythos Ramirez na mai-in love din sa istorya kay Kim.

Sa mga hindi pa nakakakila kay Pythos, nagsimula ito sa showbiz ng bata pa na naging contestant ito ng Star Circle Quest ng ABS-CBN. Nagkaroon din ito ng mga commercial, pero tinapos muna ang high school. Nagbabalik ito bilang Kapuso at age 18.

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng serye na papalit sa  Prinsesa ng Buhay Ko at magtatampok din kina Janno Gibbs, G. Toengi, Jessa Zaragoza, Neil Ryan Sese, Maricel Morales, at Ida Yaneza.  First time na magkakasama sa serye ng mag-inang Gabby Eigenmann at Irene Celebre. Sagot sa dasal ni Irene ang serye. Matagal na niyang gustong umarte. Wala namang tutol dito si Gabby. Pagbabalik Kapuso naman ito nina Joey Marquez at G. Toengi na for a time ay naging  mga Kapamilya. Hindi magpapatawa rito  si Joey, magda-drama siya.

Dalawang channel may kumpetisyon sa pagbebenta ng kawali

Nakatutuwang panoorin ‘yung paglalaban ng dalawang channel sa pag-iendorso ng isang uri ng non-stick frying pan. Parehong gumamit ng  professional chef  ang O Shopping  at Shop TV. Itinuturo ng mga ito ang wastong paggamit ng mga pino-pro­mote nilang produkto na halos magkapareha sa ga­mit at tibay at baka sa manufacturer lamang nagkakaiba. Pareho silang nakabibilib at kung may pera lamang lahat ng manonood nila ay siguradong sold out agad sila.

Amo ni Rose sa Israel naging mabait

Tuloy ang lucky streak ni Rose Fostanes, ang grand winner ng  X F actor sa Israel na nagtatrabaho run bilang caregiver. Pinayagan na rin ito ng bansang Israel para magamit ang pagkanta bilang hanapbuhay. Pagiging isang caregiver lamang ang puwede niyang gawing hanapbuhay sa nasabing bansa, pero dahil nga nanalo siya sa X Factor kung kaya pinayagan na rin siya ng Israeli immigration na kumanta run profesionally pero ito ay matapos hingin ang permiso ng pamilyang pinagtatrabahuhan niya run.

Jennylyn ayaw na uling makaramdam ng sakit

Nag-ala Kim Chiu si Jennylyn Mercado nang sa halip na sagutin ng diretso ang pangungulit ng media na makuha ang reaksiyon niya tungkol sa ba­likan ng ex niyang si Luis Manzano at Angel Loc­sin ay nagmaldita ito sa pagsasabing wala siyang ob­ligasyon na magsalita kahit kanino tungkol sa isyu.

Kung sabagay totoo naman ang sinabi niya. Baka kung nagsalita  pa siya ay madamay pa sa isyu na wala naman siyang involvement. Okay siya matapos ang  hiwalayan nila ni Luis at ayaw na        niyang balikan ang sakit na naramdaman niya nung una silang maghiwalay. She’d rather concentrate on Rhodora X na kung saan talagang mahahamon ang kagali­ngan niyang umarte sa kanyang dual roles.

vuukle comment

ANGEL LOC

BUHAY KO

GABBY EIGENMANN

IDA YANEZA

IRENE CELEBRE

JANNO GIBBS

KRISTOFFER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with