^

PSN Showbiz

Heart gaya-gaya kay Marian?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Second choice lang pala si Heart Evangelista sa pagpo-pose niya ng sexy sa kalendaryo ng isang alak. Ang original choice pala para sa nasabing kalendaryo, si Marian Rivera.

Pero hindi raw tinanggap ni Marian dahil sa issue sa talent fee.

Eh that time raw may ibang offer kay Marian kaya nakapamili siya.

Inilabas na ni Heart sa kanyang Instagram account ang nasabing kalendaryo niya para sa nasabing alak. Naka-two piece si Heart sa nasabing kalendaryo na parang suot din ni Marian.

Hindi kaya mapagbintangan naman si Heart na ginagaya si Ma­rian? Nauna nang lumabas ang kalendaryo ni Marian.

Paul Walker may naiwang pelikula

Palabas na pala simula nga­yong araw sa Metro Manila ang naiwang pelikula ng actor na si Paul Walker na namatay sa isang aksidente habang papunta sa fund­raising event para sa mga winasak ng bagyong Yolanda. Naiwan niya ang pelikulang Hours na isang di­saster film.

Last November pa tumutulong ang aktor na sumikat nang husto sa pelikulang Fast and Furious  sa pamamagitan ng kanyang Reach Out Worldwide.

Anyway, sabi ng investigators walang kakarerahan ang 2005 Porsche Carrera GT na sinasakyan ni Paul na ang nagda-drive ay si Roger Rodas na kaibigan ng aktor at nagdala sa kanila sa kamatayan.

Ito na ang chance na­ting mga Pinoy na makaganti man lang sa kabutihan at malasakit na ipinakita ni Paul. Panuorin natin ang pelikula niya.

Social media ‘nabiktima’ si Anne

Hindi talaga maganda ang epekto ng social media sa mga artista. True naman nagkakaroon sila ng instant connection sa fans pero pag sila ang nasangkot sa kontrobersiya, niyayari naman sila. Ganito ang nangyayari kay Anne Curtis. Lahat kasi sa social media, nagkaroon ng karapatan na mang-imbyerna.

Hmm, maging active pa kaya si Anne sa social media?

In fairness nabuhay naman ang mga artista noon na walang social media. Sumikat naman sila at ang importante may mystery ang buhay nila. Ngayon, lahat nakalantad na.

Samantala, wala nang gustong magsalita sa issue ng sampalan except for Jake Cuenca na nag-deny na may alam siya sa mga nangyari.

Si John Lloyd Cruz ay nanatiling tahimik at ma­ging si Phoemela Baranda. Magkakaibigan naman sila kaya siguradong nagkakaintindihan na sila.

vuukle comment

ANNE CURTIS

FAST AND FURIOUS

JAKE CUENCA

LAST NOVEMBER

MARIAN RIVERA

METRO MANILA

PAUL WALKER

PHOEMELA BARANDA

PORSCHE CARRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with