^

PSN Showbiz

Gabby pinag-aagawan ng network!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng When the Love is Gone ay nabanggit na ni Gabby Concepcion na aalis siya for the States dahil may aasikasuhin pero nangakong babalik in time for the premiere night ng Viva Films movie sa Nov. 26 bago ang regular showing sa Nov. 27.

  Gugulatin ni Gabby ang mga manonood sa rami ng love scenes nila ni Cristine Reyes na sa bilang ni Direk Andoy Ranay, nine love scenes lahat at kinunan sa iba’t ibang locations. Hindi ookrayin si Gabby dahil at 50 years old ay fit pa ito at tatalunin ang mas mga bata sa kanya.

Also pinag-aagawan pa rin ng networks si Gabby, hindi nga raw nito natanggap ang offer ng isang network dahil nauna ang offer ng isa pang network. At ang offer na tinanggap, hindi siya ama kundi lea­ding man ng lead actress.

Rocco sasabak na sa docu-reality program

  Sina Mariz Umali at Rocco Nacino ang hosts ng docu-reality program ng GMA 7 na Out of Control to premiere on Saturday after Startalk. Original concept ito sa direction ni Rember Gelera.

May kanya-kanyang segment ang dalawang hosts at sa pilot episode ay natoka kay Mariz ang segment tungkol sa excessive pulling of hair. Ang maganda sa Out of Control, may follow-up sa kasong kanilang ipi-present. 

Anyway, malapit nang mag-celebrate ng wedding anniversary sina Mariz at husband nitong si Raffy Tima pero wala pa silang plano how to cele­brate their anniversary. Nasa Tacloban City, Leyte pa si Raffy at nagku-cover ng Yolanda aftermath.

Lauren Young nakapasa sa pelikula ni Richard

Ngayong Lunes ang storycon ng Overtime, ang gagawing pelikula ni Richard Gutierrez sa GMA Films. Puno raw ng adrenalin rush ang pelikula to be directed by Wincy Ong at feeling namin, action movie ito na matagal ng gustong gawin ng aktor, kaya sobra itong excited.

Si Lauren Young ang leading lady ni Richard. Siya ang nakapasa sa audition at nakapasa na ma­kapareha ng aktor at bumagay sa role na gagampa­nan. Ngayon lang magtatambal ang dalawa at kina­kitaan daw sila ng chemistry.

vuukle comment

CRISTINE REYES

DIREK ANDOY RANAY

GABBY CONCEPCION

LAUREN YOUNG

MARIZ

NASA TACLOBAN CITY

NGAYONG LUNES

OUT OF CONTROL

RAFFY TIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with