^

PSN Showbiz

AiAi, Izzy, at Cherry Pie sasabak sa ghost hunting

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Araw ng mga Kaluluwa (Nobyembre 2), isang kapana-panabik na ghost at treasure hunting ang gagawin nina AiAi delas Alas, Izzy Canillo, at Cherry Pie Picache sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best. Sasamantalahin ng isang misteryosong kaluluwa ang tumitinding alitan ng dalawang esperitista na sina Joanna (AiAi) at Lavender (Cherry Pie) upang maikulong ang espirito ng ina ni Joanna at mahanap ang matagal na niyang hinahanap na kayamanan.

Matutunan na kaya nina Joanna at Lavender na magtulungan at kalimutan ang kanilang hidwaan sa oras na malagay ang kanilang mga buhay sa peligro? Ano ang koneksiyon ni Kwatzy (Izzy) sa misyon ng misteryosong kaluluwa? Kasama nina AiAi, Izzy, at Cherry Pie sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Michelle Vito, Jojit Lorenzo, Lui Villaruz, at Tony Manalo. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Halloween special nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy ngayong Sabado sa storybook ng batang Pinoy, Wansa­panataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

vuukle comment

ARLENE TAMAYO

CARLA MARTINEZ

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

ERICK SALUD

IZZY

IZZY CANILLO

JOANNA

JOJIT LORENZO

WANSAPANATAYM PRESENTS MOOMOO KNOWS BEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with