^

PSN Showbiz

Kuya Germs pinaiyak ni Imelda

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya ang Master Showman at host ng long-running late night musical variety show na Walang Tulugan with Master Showman on GMA na si German “Kuya Germs” Moreno sa kanyang month-long celebration ng kanyang kaarawan. Last Friday (Oct. 4) na kaarawan niya mismo ay nagkaroon ng dalawang episodes na taping ang kanyang show (Oct. 5 and 12 airing) dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo ang kanyang kinu-consider na nanay-nanayan, ang dating Unang Ginang at ngayo’y kongresista na si Madam Imelda Romualdez-Marcos para personal na bumati.

At 84, napaka-sharp pa rin ng memory ni Madam Imelda, bukod sa napaka-regal at napakaganda pa rin nito hanggang ngayon.

Maluha-luha ang TV and movie icon na si Kuya Germs sa personal na pagdalo ni Rep. Imelda sa kanyang birthday presentation considering na nanggaling pa ito ng Makati City na may naganap na rally at napaka-traffic ng kalye patungong Quezon City.

Sinabi ng dating Unang Ginang na malaki ang naitulong at patuloy na naitutulong ni Kuya Germs sa mga kabataan na naghahangad na ma-tap ang kanilang potential sa larangan ng sining. Si Madam Imelda na rin mismo ang nakiusap na tulungan ang kanyang apo sa pamangkin na si Jolo Romualdez sa pangarap nitong mag-artista. 

Si Jolo ay kabilang na ngayon sa lumalaking pamilya ng Walang Tulugan.

“Kung ang ibang tao nga o mga nangangarap na mga kabataan ay natutulungan ko, ang isang simpleng hiling pa kaya ng nanay-na­nayan ko ang hindi ko kayang pagbigyan lalo’t may potential naman ang bata?” pahayag ng Master Showman.

Through the years ay nananatiling maganda ang relasyon ng dalawa.

“Walang halong kulay pulitika ang aming pagkakaibigan kundi respeto,” diin pa ni Kuya Germs.

Bukod sa dating Unang Ginang ng bansa, dumating din ang Concert King na si Martin Nievera na masayang ibinalita ang kanyang pagkakaroon ng repeat ng kanyang matagumpay na 3D: Tatlong Dekada major concert sa Smart Araneta Coliseum. Ang repeat ay nakatakdang ganapin muli sa Big Dome on Nov. 22 na ididirek pa rin ng kanyang kaibigang si Rowell Santiago with Louie Ocampo as musical director.

Martin was in his element nang dumating sa birthday presentation ni Kuya Germs. Since co-host ng Master Showman ang ex-GF noon ni Martin na si Jackielou Blanco, si Noel Ferrer ang nanguna sa pangangantiyaw sa dalawa at nakisali na rin kami ni John Nite. Up to this time ay napakaganda pa rin ng relasyon bilang magkaibigan nina Martin at Jackielou kahit sa iba sila nagpakasal.

Si Jackie sa actor turned director na si Ricky Davao at si Martin naman kay Pops Fernandez. Pareho nang estranged sa kanilang mga partner ngayon sina Martin at Jackielou but the Concert King has long been linked to Katrina Ojeda kung kanino siya may isang anak and another non-showbiz girl named Angie.

Bukod kina Madam Imelda at Martin, bumati rin ang long-time friend ni Kuya Germs, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ang Wing Duo, ganun din sina Christian Bautista, Dulce, Sheree, ang Miss World-Philippines national director na si Cory Quirino, at maraming iba pa.

To Kuya Germs, belated happy birthday! Hangad namin ang inyong magandang kalusugan, love, peace, and happiness.

 

vuukle comment

BIG DOME

BUKOD

CONCERT KING

KANYANG

KUYA GERMS

MADAM IMELDA

MASTER SHOWMAN

UNANG GINANG

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with