^

PSN Showbiz

Doris at Sabel magde-day off kasama si kuya Kim!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magde-day off muna sina Doris at Sabel ng Be Careful with My Heart ngayong Linggo (Sept. 22) dahil sasama sila kay Kuya Kim sa paglilibot sa probinsiya ng Laguna sa isa na namang kapana-panabik na episode ng Matanglawin, 9:45 a.m. sa ABS-CBN.

Mula sa trekking, river rafting, at spelunking ay talaga namang handang suma­bak sina Doris at Sabel, o sina Tart at Vivieka sa totoong buhay, at mapa­ngahas pang titikman ang tubig ng isang natural pool na lasang soda.

Samantala, ipapaliwanag naman ni Kuya Kim kung ano ang kahalagahan ng Laguna sa buhay ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. at sasamahan pa siya ng Kalokalike nito at isang dating katrabaho mismo ni FPJ.

 

vuukle comment

BE CAREFUL

DA KING

FERNANDO POE JR.

KALOKALIKE

KUYA KIM

LINGGO

MAGDE

MATANGLAWIN

MY HEART

SABEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with