^

PSN Showbiz

Dennis hindi kayang pataubin ni Tom sa pagalingan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kakatuwa naman ‘yung mga pumupuna at nanlalait kay Dennis Trillo sa Internet. Naro’ng kesyo sabihin nilang pandak ito. Pero ilang taon na bang artista si Dennis, pero never nakaapekto sa kanyang trabaho ang kakulangan niya sa taas, always ang napapansin ng lahat ay ang kagalingan niyang umarte. Maski na tumaas ang ranggo ni Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover, ni minsan hindi sumablay ang acting niya. Sabi nga ng kaibigan ko at kasamahan dito sa PSN na si Vero, gaano man kagaling na aktor si Tom, mas magaling pa rin si Dennis sa kanya.

Matanong ko nga kayong mga bashers ni Dennis, bakit all of a sudden ay nilalait n’yo siya? Kanino ba kayong fans at bakit insecure kayo sa mga idolo n’yo? Threat ba si Dennis sa kanila at anuman ang gawin ng idolo n’yo ay they will always be second fiddle sa tinatawag n’yong kulang sa height na aktor? Mag-isip-isip nga kayo, kung makapanglait kayo, parang perfect din kayo. Tumingin nga kayo sa salamin!

Jessy mas bagay sa non showbiz

Ang haba-haba naman ng buhok ni Jessy Mendiola. Dalawang aktor ang magkaribal sa puso niya, sina Sam Milby at Jake Cuenca. Malamang matuliro si Jessy. Sino man ang piliin niya sa dalawa, magagalit ang mga fans, kaya kung ako sa kanya, non-showbiz ang pipiliin ko, less hassle at more peaceful.

vuukle comment

DALAWANG

DENNIS TRILLO

JAKE CUENCA

JESSY

JESSY MENDIOLA

KANINO

MY HUSBAND

SAM MILBY

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with