^

PSN Showbiz

Ruffa at mga kapatid wala pang commitment sa kahit anong network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

After Anne Curtis, na-feature rin pala si Ruffa Gutierrez ng E! News Asia sa ginawa nitong pictorial in Italy for her Metro Magazine cover in their September issue.

Sa totoo lang, our Filipino artists or celebrities ay patuloy sa pagbibigay ng parangal at recognition para sa bansang Pilipinas at isa na rito si Ruffa na minsan ding nagbigay ng karangalan nang tangha­ling 2nd Princess sa Miss World competition.

Speaking of Ruffa, non-committal pa rin ito hanggang ngayon kung saang TV network siya lilipat ga­nundin ang kanyang nakababatang kapatid, ang twin brother ni Raymond na si Richard Gutierrez.

Showbiz hindi nawawalan ng iskandalo

Alam mo, Salve A., patuloy ang pagsulpot at hindi talaga mauubusan at mawawalan ang showbiz ng mga hot issue. Hindi pa man nawawala ang ilang maiinit na isyu na pinag-uusapan tulad ng demandahan blues ng ex-couples na sina Claudine Barretto and Raymart Santiago at Sunshine Cruz at Cesar Montano, ang pinag-usapang sex video scandal ng magkasintahang Chito Miranda at Neri Naig, ang away-pamilya ng Barretto sisters, heto’t may dalawang maiinit na namang lumutang na pinag-uusapan ngayon – ang pagbubuntis ng ex-Pinoy Big Brother (PBB) graduate at komedyanang si Melai Cantiveros courtesy of her boyfriend na si Jason Francisco na dati rin niyang kasamahan sa Bahay ni Kuya at ang sex video ng singer-comedian-TV host na si Wally Bayola at EB Babes member na si Yosh Rivera. Agad natabunan ang pag-amin nina Derek Ramsay at Cristine Reyes ng kanilang relasyon ng bagong sex video scandal ni Wally.

Sa totoo lang, marami ang ginulat ni Wally dahil ang alam ng marami ay very much married ito at ayos na sila ng kanyang misis na si Rizza. Sa paglabas ng malisyosong video, hindi naman kaya mauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng mag-asawa?

They never learn. Bakit kailangan nilang kunan ng video ang kanilang private sex acts? Kapag luma­labas na sa social sites, gusto nilang habulin ang nag-upload nito? In the first place, sino ang da­pat sisihin? Ang nag-upload nito o ang gumawa at kumuha ng video?

Eugene nagre-reyna na sa comedy

Wala sigurong kokontra kung taguriang bagong reyna ng komedya ngayon ang indie film queen na si Eugene Domingo.

Hindi pa man tapos ang taon ay anim na peliku­la na agad ang kanyang nagawa at tatapusin sa taong ito. Habang showing pa sa mga sinehan ang Ins­tant Mommy, may bago na naman siyang pelikulang ipa palabas this month, ang Momzillas na pinagsasamahan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano, Andi Eigennmann, at Billy Crawford. May entry din siya sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF), ang last installment ng Kimmy Dora na si Sam Milby na ang katambal.

Dahil galing sa teatro, kakaiba ang kanyang husay at disiplina sa trabaho.

Samantala, aminado si Uge na nagkaroon sila ng instant rapport at bonding time with Maricel habang ginagawa nila ang Momzillas na showing na agad sa mga sinehan simula sa darating na Sept. 18.

 

vuukle comment

ANDI EIGENNMANN

BILLY CRAWFORD

CESAR MONTANO

CHITO MIRANDA

CLAUDINE BARRETTO AND RAYMART SANTIAGO

CRISTINE REYES

DEREK RAMSAY

DIAMOND STAR

EUGENE DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with