^

PSN Showbiz

AiAi Delas Alas at Vhong Navarro, nadamay sa ‘Pork Barrel’ scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang dalawa sa pinakasikat na komedyante ng bansa na sina AiAi delas Alas at Vhong Navarro ang nadamay sa ilegal na mga prosesong nagaganap dahil sa pork barrel scam na nakaapekto sa kanilang negosyo bilang sina Ate Van at Justin ng  Toda Max sa darating na Sabado (Setyembre 7).

Muling babalik ang interes nina Justin (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin) na magtrabaho sa ibang bansa bilang chef at nurse. Ito ang dahilan kung bakit magtatayo ulit ng karinderya si Justin sa trike wash na kasosyo si Ate Van (AiAi delas Alas).

Sa paghahanap ng pork ni Ate Van na pwedeng gamitin sa pagluluto ay makikilala niya si Madam Junette Mapoles (Janice de Belen) na may ari ng PDAFF Meat Shop na nagbebenta ng “pork barrel” o imported frozen pork meat na nakalagay sa wooden barrel. Ang problema—ilegal pala ang distribusyon nito, at health hazard pa ito dahil double-dead na baboy ang pinagkukunan nito.

Malalaman ng komunidad ng Beverly Gils na nagkita sina Ate Van at Madam Mapoles, at dahil alam nila na bawal ang “pork barrel”, magagalit sila kina Justin at Ate Van sa pag-aakalang kakuntsaba sila ni Mapoles sa kanyang “pork barrel scam”.

 Tinanggap ba ni Ate Van ang mga proposal ni Madam Mapoles? Totoo bang kasama sila dito?

 Alamin ang mga sagot sa Toda Max ngayong Sabado (Setyembre 7) sa ABS-CBN .

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ATE VAN

BEVERLY GILS

JUSTIN

MADAM JUNETTE MAPOLES

MADAM MAPOLES

MEAT SHOP

TODA MAX

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with