^

PSN Showbiz

Iba ang sinasabi pagtalikod: Aktres sinira-siraan ang aktres na kaibigan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pareho ng manager ang dalawang aktres na ito, sabay nagsimula sa showbiz at matagal nagkasama sa isang network. Pareho rin silang lumipat ng network at nakasabay pa naming na-interview minsan, pero hindi pala sila friends at madi-disappoint tiyak si Actress A dahil all the while, akala niya kaibigan si Actress B.

Inilabas ni Actress B ang tunay na turing niya kay Actress A sa interview sa kanya, kung saan pinag-react siya ng press sa controversy na kinasangkutan ni Actress A.

Noong una, ayaw pang mag-comment ni Actress B, pero konting push lang ng reporter, marami na siyang sinabi tungkol kay Actress A na hindi maganda. Mabuti at marunong mag-self edit ang reporter at hindi isinulat ang mga narinig na hindi magandang comment ni Actress B kay Actress A dahil tiyak nag-away ang dalawa.

Ang manager nila ang nataranta, tinawagan ang reporter at nakiusap na ‘wag nang isulat ang mga sinabi ni Actress B kay Actress A, ayaw niyang mag-away ang talents niya. Pero nagulat din sa nalamang hindi friend ang tingin ng una sa huli.

Isabel at John cheesy sa kanilang anniversary!

Mula sa Bayarang Puso, Magkano Ba ang Pag-ibig? na ang title ng Afternoon Prime  na tatampukan ni Heart Evangelista sa direction ni Maryo J. Delos Reyes.

Agad nalaman ang pagpapalit ng title dahil na-tweet ni Isabel Oli bago pa  magsimula ang storycon. Kasama ang GF ni John Prats sa soap.

Samantala, kina Isabelle at John nalaman ng kanilang followers na seven months na ang kanilang relasyon last August 21, dahil sa posts nila sa Instagram. Tila may contest sila kung sino sa kanila ang mas cheesy ang message para sa isa’t isa.

Post ni Isabel sa IG: “So glad to have you in my life @iamjohnprats it has been months now and yet I still feel the same  feeling  the first time we’ve been together. I wooove you Hofeet #happy7.”

Sagot ni John: “Someone misses you so much, its not your family nor your relatives, its not even your best friend nor your closest pal. Its just the simple ordinary me who misses the extraordinary. Thank you sa lahat @isabelolifee.”

May kasamang video ang message ni John ng videos nila ni Isabel in different occasion na ikinakilig ng friends at followers nila. Iisa ang wish ng mga nagmamahal sa dalawa na sila’y magkatuluyan at hindi magaya sa past relationships nila na nauwi rin sa hiwalayan.

Lovi may kakambal na suwerte sa tv at pelikula

Ang suwerte ni Lovi Poe sa mga projects na ginagawa mapa-TV man o pelikula dahil magaganda at laging tumatatak sa viewers. Halimbawa na ang last soap niya sa GMA 7 na Legacy at ang docu-series sa GMA News TV na Titser.

Pinag-uusapan din ang latest movies niyang Sana Dati sa Cinemalaya na may commercial screening sa September 25 at may screening sa 33rd Hawaii International Film Festival. Kasama rin si Lovi sa Lihis ng Sining Pambansa National Film Festival All-Masters Edition na pinag-uusapan hindi pa man showing.

Siguradong magugustuhan at may impact din sa viewers ang bago niyang soap na  Akin Pa Rin ang Bukas sa direction ni Laurice Guillen. Sa ngayon, nasusulat at napag-uusapan ang soap dahil ilang beses naurong ang pilot at sa pagpasok ni Liza Lorena kapalit ni Helen Gamboa na mag-uumpisa na sa September 9, kapalit ng Mundo Mo’y Akin.

vuukle comment

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

AFTERNOON PRIME

AKIN PA RIN

BAYARANG PUSO

DELOS REYES

HAWAII INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with