^

PSN Showbiz

Makikiuso na kahit kumikita ang mga pelikula John Lloyd gusto na ring mag-indie!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Blockbuster ang lahat ng mga nagawang pelikula ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema. Ngayon ay nangangarap na rin daw ang aktor na makagawa ng isang indie film kung mabibigyan siya ng pagkakataon. “Sa totoo lang ang indie film naman I’m very open pero siyempre I have to prioritize ‘yung mother studio ko which is Star Cinema. Kung may gagawin ako, kasi ‘di ba when you say indie it’s a venue for you to be experimental. Kung meron kasi akong gagawin na gano’n I have to consult with my mother studio, parang respeto lang. Kasi for how many years inalagaan nila ‘yung career ko and ang ganda-ganda nang nagawa sa akin ng career ko sa pelikula. It brought me to where I am now after fifteen years in the business. Hindi naman biro na hanggang ngayon pinapanood ang pelikula mo. Talagang with due respect, mas pina-prioritize ko talaga ang desisyon ng Star Cinema,” pahayag ni John Lloyd.

Samantala, may ilang mga bashers na rin ngayon ang aktor sa iba’t ibang social networking sites. May mga negatibong salita na ibinabato kay John Lloyd tungkol sa kanyang personal na buhay. Hindi na lamang daw pinapansin ng binata ang bashers at pinalilipas na lamang niya ang mga ito. “Wala naman kaming magagawa sa kanila. Hindi mo naman sila puwedeng bawalan o i-hate for doing that kasi parang ‘pag gano’n pa nangyari, parang you’re just giving them the pleasure of just getting affected sa ginagawa nila. Kapag dinadamay ang pamilya mo, ‘yung mga pribadong tao sa buhay namin ‘pag dinadamay nila, minsan umaabot din kami sa point na parang gusto mo na rin pumatol. Pero palipasin mo lang ng konting oras and then kaya mo siyang lampasan. Tigil ka lang and let it pass,” paliwanag ng aktor.

Kaya mangiyak-ngiyak sa birthday ng ‘daddy’

KC madalas pagalitan ni Sen. Kiko

Naging emosyonal si KC Concepcion sa kanyang speech para sa stepfather niyang si  Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa 50th birthday celebration nito noong Sabado. Si Senator Kiko na kasi ang tumayong pangalawang tatay ni KC mula noong 11 years old pa lamang ang aktres. “Honestly, you are a big, big part of why I’m able to face the world. You taught me how to read the dictionary, shop for groceries, budget my money. You got mad at me for wearing green contact lenses. We missed church because you really got mad,” mensahe ni KC sa senador. “He would drive me to school in Boston and he would drive me to my ice skating competitions. He would go with me to the dentist and would encourage me to eat fish and only fish because I was trying to cut it out of my diet. He would get mad because my room was so messy,” kuwento pa ni KC. Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Senator Kiko at isang tunay na ama na raw talaga ang turing ni KC dito. “We fight sometimes but I know that he loves his family so much and he has lots of patience to everyone. He has always been a great dad, especially to my baby sisters and baby brother. Everything that I learned from you, I will take with me forever. You have helped me shine,” pagtatapos ng dalaga.

Agad namang umakyat sa entablado si Senator Kiko para yakapin at magpasalamat kay KC.       Reports from JAMES C. CANTOS

                ­                                               

vuukle comment

CONCEPCION

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KIKO

SENATOR FRANCIS

SENATOR KIKO

SI SENATOR KIKO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with