^

PSN Showbiz

Ryan at Juday parehong nag-iisip kung saang network lilipat

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa host ng Talentadong Pinoy na si Ryan Agoncillo, marami ang nanghihinayang na ma­wawala na  pala sa ere ang kauna-unahang hit Filipino reality-search na magtatapos na sa darating na Linggo, August 18.

Nalulungkot man si Ryan na mawawala na ang Talentadong Pinoy na kanyang minahal at kung saan niya naipamalas ang kanyang husay sa pag­hu-host, wala naman siyang magagawa dahil talent lamang siya at walang say sa desisyon ng management.

Ganunpaman, bukas na si Ryan sa ibang opportunity kaya malaki ang posibilidad na balikan niya ang dating home studio, ang GMA kung saan siya talaga nagsimula ng kanyang TV career nang siya’y maging isa sa mga hosts ng now-defunct daily morning show na Mornings @ GMA na pinalitan ng Unang Hirit. Naging Kapamilya na rin noon si Ryan. Practically ay naikot na niya ang tatlong giant TV networks – ABS-CBN, GMA, at TV5.

Although wala pang bagong kontrata si Ryan sa GMA, he is partly Kapuso dahil sa kanyang pagi­ging bahagi ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

At kung hanging pa rin hanggang ngayon ang desisyon ni Ryan kung siya’y muling babalik ng GMA, nakabitin din ang desis­yon ng kanyang misis na si Judy Ann Santos kung ito’y mananatili sa kanyang pagiging Kapamilya.  May mga lumulutang kasing balita na hindi na umano masaya ang soap opera queen sa takbo ng kanyang TV career sa ABS-CBN habang nakaabang naman ang GMA at TV5 sa magiging final decision nito at ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo.

Hangga’t hindi pumipirma ng panibagong kontrata si Juday ay mananatili ang iba’t ibang espekulasyon ng marami.

Hiwalayan nina Cesar at Sunshine hindi na bago sa dating mag-asawa

Alam mo, Salve A., isa ako sa nalulungkot sa mga kaganapan ngayon sa (dating) mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz dahil bukod sa pagiging malapit namin sa mag-asawa, inaanak ko ang pangalawa nilang anak na si Samantha at inaanak naman ni Sunshine ang anak kong si Aila Marie.

Nakalulungkot isipin na sa korte rin mauuwi ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa na kapwa nila sinumpaan noon na sila’y magsasama at magmamahalan sa hirap at ginhawa. Pero lahat ng bagay sa mundong ito ay nagbabago. Lahat din ng bagay ay may katapusan.

Ang recent break-up nina Sunshine at Cesar ay pangalawang beses nang nangyari at gusto na­ming isipin na ito na ang kanilang final break-up dahil humantong na sa korte kung saan nagsampa na si Sunshine ng TPO (Temporary Protection Order) na malamang na maging Permanent Protection Order depende sa magiging  takbo ng kaso ng (dating) mag-asawa.

Tulad ng estranged couple na Raymart Santiago at Claudine Barretto na dumaranas din ngayon ng matinding dagok sa kanilang paghihiwalay na umabot din sa korte, hindi malayo ang demandahan at kontra demanda sa pagitan nina Cesar At Sunshine na sinimulan na nga ng huli. Ang masakit nito, ang kanilang tatlong anak na babae – Angelina Isabelle, Samantha Angelene, at Angel Franchesca ang maiipit at higit na masasaktan at maaapektuhan.

Dingdong nag-propose na kay Marian?

Walang alinlangan na nag-enjoy nang husto ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia na siyang surprise birthday treat ni Dingdong sa kanyang GF.

Sa mala-paraisong Amandari Resort nagtungo ang dalawa at nag-dinner ang magkasintahang sa isang posh restaurant na Mozaic ang pangalan.

Marian admits na hindi nawawalan ng surprise gimmicks si Dingdong para sa kanya na gustung-gusto naman niya. Katunayan, kasama ito sa mga bagay na nagustuhan niya sa kanyang boyfriend.

Hindi kaya sa Amandari Resort o sa Mozaic Restaurant nag-propose si Dingdong kay Marian? Balita kasi Salve A.  na balak nang magpakasal ng dalawa sa isang taon.

vuukle comment

AILA MARIE

ALFIE LORENZO

AMANDARI RESORT

ANGEL FRANCHESCA

ANGELINA ISABELLE

KANYANG

RYAN

SALVE A

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with