^

PSN Showbiz

Raymart nakasama ang mga anak sa korte, Claudine magpa-file ng Violation Against Women and Children laban kay Raymart

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Happy na muna ngayon si Jillian Ward sa programa niyang One Day, Isang Araw at ang pagbo-voicing niya sa Kap’s Amazing Stories dahil mas nagko-concentrate muna siya sa pag-aaral.

Bukas ay siya ang storyteller sa One Day, Isang Araw bilang si Daisy sa episode na Yaya Madyikera na gagampanan naman ni Katrina Halili. Siya ang magpapaamo sa mga pasaway na mga batang aalagaan.

PAK: Natawa si Jolo Revilla sa nakarating na intrigang buntis na si Jodi Sta. Maria. Hindi niya alam kung sino ang nagkakalat ng intriga pero malabo raw talaga at hindi totoo ang naturang balita.

Natawa rin si Jodi sa ganung intriga at nagtataka siya kung sino ang nagkakalat nun.

Sabi namin sa kanya, hindi kaya pinapaingay lang ito dahil sa may narinig kaming interesado raw ang Viva Films na gawan sila ng pelikula?

BOOM: Muling nagharap sina Claudine Baretto at Raymart Santiago sa korte kahapon ng hapon.

Ito naman ‘yung kasong Petition for Sole Custody of Minors /Application for the Issuance of a Writ of Habeas Corpus and Temporary Custody na isinampa ni Raymart.

Kasama ni Claudine ang dalawang anak nilang sina Sabina at Santino na kailangang humarap sa korte sa sala ni Judge Lorna Chua Cheng.

Mahigpit ang seguridad sa korte kaya hindi makakuha ng impormasyon ang media.

May gag order silang lahat at mahigpit din na ipinagbabawal ang pagkuha sa mga bata.

Mahigit isang oras ang hearing at paglabas nila, mukhang masaya si Raymart, pero ayaw namang magsalita.

 â€œMasaya lang ako na nakita ko ang mga anak ko,” tanging sabi sa amin.

Paglabas naman ni Claudine, mabilis niyang pinasakay sa kotse ang mga bata.

“Magpa-file kami ng VAWC (Violation Against Women and Children) pagkatapos nito,” sagot nito sa tanong namin kung ano ang nangyari sa hearing.

vuukle comment

AMAZING STORIES

CLAUDINE

CLAUDINE BARETTO

ISANG ARAW

JILLIAN WARD

JODI STA

JOLO REVILLA

JUDGE LORNA CHUA CHENG

KATRINA HALILI

ONE DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with