^

PSN Showbiz

Billy ayaw na ring magka-career

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

We admire Nikki Gil sa pagiging tahimik lamang sa nangyaring hiwalayan nila ni Billy Crawford kahit ang huli ang umamin at nagngangangawa on national TV. More than Billy, sa palagay namin ay mas nasaktan si Nikki sa breakup nila ni Billy na tumagal din na halos limang taon. Hindi pa rin mawari ng female singer kung paano nauwi sa hiwalayan ang maganda nilang relasyon na inakala ng marami ay mauuwi sa altar.

While Nikki is getting the strong moral support from her family and friends, she’s still hurting brought about by the sudden breakup with Billy na gusto munang hanapin ang sarili sa Amerika sa tulong ng kanyang pamilya.

Kung tutuusin, ginib-ap ni Billy ang kanyang international career for Nikki and revive his career in the Philippines.  Maganda ang takbo ng career ni Billy. Kasama siya everyday sa It’s Showtime, sa ASAP tuwing Sunday at silang dalawa ni Luis Manzano ang host sa seasonal na Pilipinas Got Talent. Sa pagbabalik ni Billy sa Amerika sa Sabado, Aug. 3, would this mean kaya na tuluyan na rin niyang tatalikuran ang kanyang regular shows sa ABS-CBN o pansamantala lamang ang kanyang pagkawala habang hinahanap niya ang kanyang sarili sa Amerika?

Just asking. AiAi natulungan ng pahinga

Nakatulong nang husto kay AiAi delas Alas ang kanyang isang buwang bakasyon sa Amerika kasama ang mga anak na first time nilang ginawang mag-iina. Ngayong nakabalik na sa bansa si AiAi, ready na siyang muling magtrabaho matapos dumaan ang unos sa kanyang buhay na may kinalaman sa kanyang short-lived relationship sa kanyang ex-husband na si Jed Salang.

Magiging abala si AiAi sa promo ng movie nila ni Marian Rivera, ang Kung Fu Divas kung saan pareho silang co-producer ng pelikula na ire-release ng Star Cinema.

Raymart at Claudine malamang magkabati alang-alang sa dalawang anak

Alam mo, Salve A., nakakalungkot isipin na ang masasayang pagsasama noon ng mga ex-celebrity couple ay parating nauuwi sa hindi maganda lalo na kung sila’y nagbabangayan at nagsisiraan sa publiko. Hindi na rin halos mabilang ang celebrity breakups na pinag-usapan at pinag-piyestahan ng balana pero tulad ng isang malalim na sugat, ang mga ito ay naghihilom at nagda-die down din pag­lipas ng panahon.

Habang sariwa pa ang hiwalayang Claudine Barretto at Raymart Santiago na may demandahan pang kasali, pasasaan ba’t magiging okay din sila balang araw alang-alang sa kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Hindi kami nag-i-expect na magkakabalikan pa ang dalawa pero one thing is sure, tiyak na magkakapatawaran sila pagdating ng araw kapag humupa na ang galit nila sa isa’t isa.

Tatlong henerasyon bumisita sa Celebrity Talk

This Friday evening ay tatlong magkakahiwalay na segment ang iti-tape namin ni German “Kuya Germs” Moreno sa Celebrity Talk portion ng Walang Tulugan with the Master Showman, ang longest-running late night show sa GMA.

Sa unang segment ay makakasama namin ang award-winning actress na si Lorna Tolentino na nakatakdang ipalabas sa Agosto 3, sa Aug. 10 naman mapapanood ang singer-comedienne na si Mitch Valdez at sa Aug. 17 ay ang mag-inang Baby O’Brien at Rina Reyes at anak ni Rina na si Ka­therine, tatlong henerasyon. 

Kung buhay pa sana ang ina ni Baby, ang napa­kagandang veteran actress na si Paraluman, tiyak na kasama ito.      

Two Saturday nights ago, we featured Sen. Manny Villar at ang composer na si Vehnee Saturno at ang kanyang ladylove na si Ladine Roxas sa Cele­brity Talk.

 

vuukle comment

AMERIKA

BABY O

BILLY

BILLY CRAWFORD

CELEBRITY TALK

CLAUDINE BARRETTO

JED SALANG

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with