^

PSN Showbiz

Aktor inabot ng take 10 sa isang simpleng eksena

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang Ligang iLike na pinangungunahan ni Louise delos Reyes ang nagwaging best team sa Sunday All Stars nung nakaraang Linggo. At si Aljur Abrenica naman ang napiling best performer ng ganun ding team.

Halos iisa ang obserbasyon ng karamihan na itong nakaraang episode ang pinakamagandang performance ng Kapuso stars at pinakamagandang concept.           

PAK: Unti-unting napapansin itong aktor na nagsimula sa modeling dahil sa magandang role na ibi­nigay niya sa isang toprater na drama series.

Magagaling silang lahat sa drama series na iyon pero itong si aktor lang ang medyo mahina pero malaki na ang improvement nito.           

Sa Twitter ay puring-puri siya ng mga kaibigan niya, lalo na ang girlfriend niya na isa ring kilalang celebrity.

Pero sa huling pelikulang ginawa niya, naloka ang direktor dahil isang simpleng eksena lang ay inabot ito ng 10 takes.

Wala nang maipiga pa si Direk sa kanya kaya pikit mata na lang na inokeyan ang eksenang iyon.

BOOM: Hindi natuloy ang hearing ng Temporary Protection Order (TPO) na isinampa ni Claudine Baretto laban kay Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court.

Nagulat daw ang judge sa rami ng media na dumagsa kaya pina-cancel niya ito at itutuloy na lang sa Martes sa susunod na linggo.

Maagang dumating si Claudine at meron lang daw itong isinumite at umalis din agad.

Wala si Raymart pero nagpadala ito ng statement sa GMA 7 na itinatanggi niya ang lahat na ibinibintang ng kanyang dating asawa.

Bahagi ng statement nito: “I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.”

Isa sa mga araw na ito ay magsasalita rin sa media si Raymart dahil marami siyang dapat sagutin sa mga paratang ni Claudine.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG LIGANG

CLAUDINE

CLAUDINE BARETTO

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SA TWITTER

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with