^

PSN Showbiz

Pepito… hindi tinipid!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang mga kasali sa programang Pepito Manaloto. Biruin  n’yo, nagkaroon sila ng tsansa na makapag-taping sa LA, California at kita n’yo naman sa mga episodes na napapanood tuwing Linggo ng gabi na enjoy na enjoy ang buong cast and production team. Para naman magtrabaho ka at maisabay mo ang pagbibiyahe, aba malaking bagay na ito. Hindi nagtipid ang GMA dahil halos buong cast isinama sa biyahe (Michael V, Manilyn Reynes, Ronnie Henares, Jake Vargas, Nova Villa, Jessa Zaragoza, Mosang, Janna Roxas, Arthur Solinap, John Feir, atbp.). Pati ako kasama rin dahil sinamahan ko ang alaga ko. Nakita naman ako ng dalawang beses sa show. Dun sa eksena ko na naka­higa sa isang mataong lansangan sa LA na suot ang aking na­paka-colorful na Amerikana ay talagang pinag­kaguluhan ako. ‘Yung mga naggagalang mga naka-costume ng super heroes ay nagulat at ipinagtanong pa kung sino raw ba ako at bakit ako pinagkakaguluhan. Nang may magsabi sa kanilang isa akong sikat na artista sa Pilipinas, aba eh nagpakuha na rin sila ng litrato kasama ako at nagpa-autograph na rin.

Si Aljon Jimenez, mister ni Manilyn, ay puma­yag na ring mag-guest sa show. Aba sayang din naman. Naroon na rin siya at kahit papaano, nakabawas ang guesting niya sa gastos nilang mag-anak. Bukod sa kanya ay kasama rin sa biyahe ang mga anak nila. Kung nakalimutan n’yo na dating taga-That’s… si Aljon, ganun din ang gumanap ng misis niya sa episode na si Bunny Paras.

Nakita ko rin pala sa LA ang singer na si Ric Manrique, Jr. Retirado na ito at nag-aasikaso na lamang ng negosyo.

Nais ko nga palang pasalamatan ang itinuturing kong godmother sa showbiz na si Alice Eduardo. Nagbabakasyon ito at ang pamilya niya sa LA. Isang pakiusap lamang at pinayagan kaming mag-taping sa kanyang napaka-rangyang tahanan dun ng libre! Pinakain pa kami ng dinner at ang buong production team. Talagang hindi basta-basta dinner ang inihanda para sa amin, para talagang may party na.

Jake hindi maramot

Nasa I Mall kami sa Laguna recently ni Jake Vargas na kung saan ay nagkaroon naman siya ng show. Katulad ng mga nakaraan niyang mga palabas, punung-puno ang venue ng mga nagtitiliang fans. Game naman si Jake na kahit halos mawalay na ang mga braso niya sa katawan ay buong giliw na hinarap silang lahat. ‘Yun ang bentahe ni Jake, mahusay siyang makitungo sa lahat. Hindi raw siya kapareho ng ibang atista na hindi lumalapit sa kanila at bantay sarado. At hindi ito maramot magdagdag ng kanta kapag nire-request. Nung andun kami, nakaanim na kanta siya bago siya pinakawalan ng manonood.

Mga bagong palabas…

Ang daming bagong palabas ng GMA. Kung nagandahan kayo sa mga natapos at magtatapos pa, higit dito sa mga paparating. ‘Yung mga Basang Sisiw, bago pa lamang, pero alam n’yo nang magpapabaha ng luha mula sa manonood. Interesting din ‘yung My Husband’s Lover na medyo maselan ang tema pero panonoorin mo para lang makita kung paano iha-handle ng direktor ang mga love scenes nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Kaya kayo, magsimula nang mag-abang.

vuukle comment

ALICE EDUARDO

ARTHUR SOLINAP

BASANG SISIW

BUNNY PARAS

DENNIS TRILLO

JAKE VARGAS

JANNA ROXAS

JESSA ZARAGOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with