^

PSN Showbiz

Habang ipinagmamalaki ng radio DJ ang kanyang flat sa New York: Nanay ni Mo Twister panay ang pa-rediscount ng tseke

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Feel agad ni Valerie Concepcion na welcome siya sa Kapuso Network nang bumalik ito sa GMA 7 at isinali na siya sa Anna Karenina na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.

Nung nasa kabilang istasyon siya at marami pa naman siyang kaibigan sa GMA 7 at lagi siyang sinasabihang bumalik na siya. Kaya nagpapasalamat siya na binigyan siya ng pagkakataong makabalik sa naturang network.

PAK: Kuwento ng ilang kaibigang taga-Bulacan, panay daw ang pa rediscount ng tseke ng ina ni Mo Twister. Pagkatapos ipinakita ni DJ Mo ang magandang flat niya sa New York, tinatanong daw ng mga taga-Bulacan kung nagpapadala ba ng financial assistance si DJ Mo sa pamilya niya sa Bulacan. Bakit daw panay pa rediscount ng ina ng kilalang radio personality?

BOOM: Umakyat na sa korte ang kasong libel na isinampa ni Atty. Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah Lahbati.

Ini-raffle ang naturang kaso at napunta ito sa sala ni Judge Winlove Dumayas ng Branch 59 ng Makati-RTC.

Nung May 20 ay nag-isyu si Judge Dumayas ng warrant of arrest laban kay Sarah. Pero hindi pa naman ito masi-serve dahil nasa Switzerland pa ang young actress.           

Kung sakaling babalik si Sarah dito sa bansa, doon lang puwede ma-serve ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya.

Pero nasa Switzerland pa si Sarah at wala pa silang ipinarating na mensahe kung babalik pa ba siya rito o hindi na.

vuukle comment

ANNA KARENINA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BULACAN

JUDGE DUMAYAS

JUDGE WINLOVE DUMAYAS

KAPUSO NETWORK

MO TWISTER

NEW YORK

NUNG MAY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with