^

PSN Showbiz

GMA 7 hindi pinag-iinteresan si Willie Revillame

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang hapon sa Trinoma, Quezon City ay ilo-launch ang self-titled album ni Alden Richards.

Ilo-launch din sa “The Best of” ng Party Pilipinas ang music video ng carrier single niyang Haplos.           

Malaki ang pasasalamat ni Alden sa Universal Records dahil binigyan siya ng pagkakataon na ma-experience ang maging singer.

Dream din ni Alden ang magkaroon ng concert pero alam niyang matagal pa iyon. Pero very positive siyang maaabot niya rin ang pinapangarap.

PAK: Totoo kayang medyo kinakapos na nga­yon ang sikat na male celebrity dahil sa nagastos nito nung nakaraang eleksiyon?

Kung sa pera, sangkatutak ang datung nito pero overacting din kasi gumastos si male celebrity dahil ang latest na narinig namin ay balik na naman sa da­ting gawi.

May iba na naman siyang pinagkakagastusan lingid sa kaalaman ng kanyang asawa.

Kung dati ay bongga kung makapagwaldas ito ng pera, ngayon ay medyo maingat na siya dahil matagal-tagal pa bago siya kumita uli ng napakalaki.

BOOM: Sa Oct. 15 pa matatapos ang kontrata ni Willie Revillame sa TV5 pero pagkatapos niyang i-announce ang kanyang resignation at pagtatapos na rin ng Wowowillie sa Oct. 12, nag­lilitawan na ang speculations na may lilipatan din itong ibang istasyon.

Kung sakali, malamang na sa GMA 7 ito lilipat dahil mukhang malabo na talaga ang pagbalik niya sa ABS-CBN.

 Pero wala pa kaming naririnig sa mga big boss ng GMA 7 kung interesado silang alukin uli ang kontrobersiyal na TV host.

Marami ang nagsasabing mas nababagay talaga kung sa GMA 7 lilipat si Willie dahil doon naman siya sa Kapuso Network nanggaling.

Magkakainteres naman kaya uli ang network?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KAPUSO NETWORK

PARTY PILIPINAS

PERO

QUEZON CITY

SA OCT

UNIVERSAL RECORDS

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with