^

PSN Showbiz

Little Champ hanggang Biyernes na lang!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang pama­ma­yagpag sa ratings ng hit fantaseryeng Little Champ mula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos sa dara­ting na Biyernes, May 24. Katunayan, ang show ay laging nasa lis­ta­han ng daily top 15 programs ayon sa datos ng Kantar Media.

Mainit ang naging pagtanggap ng sambayanan sa programa lalung-lalo na ng mga batang manonood. Patunay nito ang jampacked mall shows ginanap sa Pampanga, Taguig at Bacoor. Noong Linggo (May 19) ang Little Champ mall show na pinangunahan ng mga miyembro ng cast na sina JB Agustin (Caloy), Sofia Millares (Lulubelle), Jake Roxas (Miguel) at Coleen Garcia (Alice) ay dinaluhan ng mga 1,500 na katao. 

Masaya ang child star na si JB dahil sa su­­por­ta ng mga manono­od.  “Natutuwa po ako na marami kaming napa­sa­­ya,” pahayag ni JB.  “Pero nalulungkot din po ako ngayong matatapos na ang show kasi ma­mi­miss ko pa ang aking co-stars at ang staff,” dag­dag ng batang aktor.

Samantala, sa huling linggo ng Little Champ, magkikita muli ang magkaibigang Caloy at ang ka­bayong si Chalk na han­da nang harapin ang kontrabidang si Miguel.

Sino ang manana­lo sa dalawang may ha­wak ng Kambulala­kaw: si Chalk o si Miguel? Ma­pagsama kaya ang dalawang bato ng Kambulalakaw na ka­la­ngang pagdikitin bago magunaw ang mundo? Mailigtas kaya nina Ca­loy at Chalk ang sangkatauhan?

vuukle comment

CALOY

COLEEN GARCIA

JAKE ROXAS

KANTAR MEDIA

LITTLE CHAMP

MIGUEL

NOONG LINGGO

SHY

SOFIA MILLARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with