^

PSN Showbiz

LJ pagpapa-cute lang ang sagot sa hiwalayan nila ni Paulo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Walang inamin at hindi nag-deny si LJ Reyes tungkol sa balita na hiwalay na sila ni Paulo Avelino.

Basta ang sagot niya, masaya siya, masaya ang kanyang anak na si Aki, masaya sila. Mabilis na nag-react ang viewers ng Startalk kahapon dahil sa haba raw ng story ng aming show tungkol sa isyu, magpapa-cute lang pala si LJ sa mga sagot nito.

Iba-iba ang version ng kuwento, may nagsasabi na dalawang buwan nang hiwalay ang dalawa. Ayon naman sa iba, isang buwan pa lamang na magkahiwalay sina Paulo at LJ.

Igalang ang kanilang privacy ang request ni LJ pero hindi mangyayari ang gusto niya dahil hindi titigil ang mga intrigera hangga’t hindi nila nalalaman ang tunay na estado ng relasyon nina LJ at Paulo.

May mga humuhula na hindi papatulan ni Paulo ang isyu. Hindi siya sasagot dahil ayaw na ayaw niya na napag-uusapan ang kanyang private life.’Di nga ba’t may balita na ipinabura ng handler ni Paulo ang video ng interbyu sa kanya ng isang ABS-CBN reporter dahil tungkol sa pagiging ama ang question? Siyempre na-sad ako sa balita na may problema sa relasyon nina LJ at Paulo. Katulad nang sinabi ko kahapon sa Startalk, may nagkuwento sa akin na tuwing lumuluwas ng Quezon City ang mga magulang ni Paulo, tumutuloy at tumitira sila sa bahay ni LJ.

Sayang naman ang kanilang relasyon na mawawasak lamang dahil sa ambisyon at pangarap ni Paulo.

Annulment kay Iwa wish na ng ex-hubby para mapakasalan si Janna

Annulment ng kasal nila ni Iwa Moto ang wish ni Mickey Ablan dahil gusto nito na pakasalan ang kanyang girlfriend na si Janna Dominguez.

May anak na sina Mickey at Janna. Buntis naman si Iwa sa boyfriend na si Pampi Lacson, ang ex-husband ni Jodi Sta. Maria. Ready na si Mickey na pakasalan si Janna pero hadlang ang inilihim na civil wedding nila ni Iwa.

Hindi naman interesado si Janna na magpakasal dahil para sa kanya kapirasong papel lamang ‘yon. Nakooo, darating din ang araw na mare-realize ni Janna na importante ang kasal sa isang relasyon. Walang babae na hindi nangarap na pakasalan sila ng mhin na kanilang minamahal.

Carla napadaldal sa sobrang excited na magkatrabaho uli

My Husband’s Lover ang title ng primetime show na pagsasamahan nina Carla Abellana at Dennis Trillo.

Matagal na walang regular show si Carla sa GMA 7 kaya excited na siya sa pag-uumpisa ng taping ng My Husband’s Lover na mapapanood simula sa June 10.

Sa sobrang excitement ni Carla, ibinuking niya agad na kapwa lalaki ang makakaagaw niya sa puso ni Dennis sa My Husband’s Lover. Na-pre-empt tuloy ang pasabog ng GMA 7.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DAHIL

DENNIS TRILLO

IWA MOTO

JANNA

MY HUSBAND

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with