^

PSN Showbiz

Gretchen itinakwil ng ina

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Sid Lucero ang pinaka-excited sa lahat sa pagkapasok ng dalawang Pinoy films sa Un Certain Regard section ng Cannes International Film Festival na gaganapin sa susunod na buwan.

Siya ang isa sa mga bida sa dalawang pelikulang ito na Norte: Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz at ang Death March ni Adolf Alix.

Nakapasok din nga ang isang Pinoy short film na Oasis na kung saan si Sid din ang bida.

Kaya masayang-masaya siya sa magandang resulta sa mga proyektong nagawa niya. Hindi pa niya masasabi kung makakasama siya sa Cannes dahil abala ito sa taping ng Love and Lies. Pero gustung-gusto raw niyang makasama. Kaya lang iniisip din niya ang kasintahan niyang buntis na si Bea Lao ng bandang General Luna.

PAK: Nilinaw ni Sen. Peter Allan Caye­tano na hindi pa pumutok ang isyu nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, tumaas na raw siya sa survey at naungusan na nito si Sen. Chiz na laging nasa pangalawang puwesto kasunod kay Sen. Loren Legarda.

Pero sabi naman ni Sen. Cayetano, survey pa lang iyun ng ilang grupo, ang pinaka-reliable siyempre na survey ay ang mangyayari sa May 13 na mismong mga taumbayan ang magdesisyon.

Pero all-out na ang suporta ni Heart kay Sen. Chiz at willing na raw itong lumabas para tulungan siya sa pangangampanya.

Sabi naman noon pa ni Heart, never daw humiling si Sen. Chiz sa kanya na tulungan ito sa pangangampanya. Hiwalay naman daw ito sa kanilang relasyon.

BOOM: Malaking pasabog itong inilabas na statement ng ina nina Gretchen at Claudine Barretto na si Mommy Inday Barretto tungkol sa away ng dalawa.

Kinumpirma pa nitong nasa cooling off period sina Claudine at Raymart Santiago kaya hindi raw muna sila magkasama sa ngayon.

Pero matindi ang mga pasabog nito laban kay Gretchen na tinawag pa niyang sinungaling at  evil. Itinakwil na rin nito si Gretchen.

Baka mapilitan na ring magsalita si Claudine kaugnay sa gulong ito. Hinihintay lang ang desisyon ng Viva at ni Shirley Kuan na siyang may hawak ng career ni Claudine kung kailan ang tamang panahong magsalita.

As of presstime, wala pang sagot si Gretchen sa mga matitinding pahayag ng kanyang ina.

vuukle comment

ADOLF ALIX

BEA LAO

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DEATH MARCH

GRETCHEN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with