^

PSN Showbiz

Pero pinagdiinang walang malisya Sarah umamin, crush na best friend ang tingin kay John Lloyd!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay inamin ni Angelica Panganiban na hindi niya pinagseselosan si Sarah Geronimo kahit nakakakilig ang bawat eksena nina John Lloyd Cruz at ng Pop Princess sa mga pelikula. Ikinatuwa naman ni Sarah ang pagiging vocal ni Angelica tungkol dito.

“Big fan din ako talaga nina Loida at Miggy pero hanggang dun lang ’yun eh. May mga bagay na talagang dun lamang,” nakangiting bungad ni Sarah.

Wala naman talagang dapat ipagselos si Ange­lica dahil alam naman ni Sarah na talagang trabaho lamang ang kanilang ginagawa ni John Lloyd.

“Siyempre alam naman po natin ’yung limitations natin. Siyempre ayaw naman natin maging insensitive sa mga tao sa paligid natin pero gusto ko rin maging honest. Ayoko ng pretensions,” giit ni Sarah.

Aminado naman ang singer-actress na ngayon pa lamang ay napi-pressure na siya sa pagpapalabas sa susunod na buwan ng It Takes a Man and a Woman.

“Siyempre ’di made-deny na may pressure talaga at part ’yun ng pressure na pinagdadaanan ko, pero ipagdadasal natin ’yan,” pagtatapat ni Sarah.

Ngayong pangatlong pelikula na nila ng aktor ay lalong lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan. “Kami ni Lloydie na-embrace na naming ’yung friendship namin. Mas naging komportable kami sa friendship na meron kami. ’Yung walang malisya. Alam mo ’yung pagmamahal ng isang kaibigan? Dati pa akong komportable run. Para ko ’yung kuya, crush na best friend, gano’n siya,” giit pa ng dalaga.

Jodi ayaw maintriga sa Eat bulaga

Kamakailan ay lumabas ang balitang pagbibitaw ni Aiza Seguerra sa teleseryeng Be Careful With My Heart dahil nakakatapat na ito ng Eat Bulaga sa tanghali. Kaagad namang nilinaw ni Aiza ang nasabing isyu at inaming hindi siya aalis sa progra­mang pinagbibidahan nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Nagbigay na rin ng reaksiyon si Jodi tungkol sa diumano’y pag-alis ni Aiza sa kanilang programa. “Even before na lumabas ang resignation issue about Aiza never naman talaga niyang iiwan ang Be Careful With My Heart pero siyempre may respeto rin siya sa katapat na show dahil ’yun naman ang naging tahanan niya for the longest time. Doon naman siya lumaki,” pahayag ni Jodi.

Ayon naman sa aktres ay hindi naman kinukumpetensiya ng kanilang serye ang Eat Bulaga lalo pa’t magkaibang-magkaiba ang konsepto nito.

“Isa lang po ang masasabi ko, mataas po at malaki po ang respeto namin sa Eat Bu­laga kasi institusyon naman po talaga sila. Napatunayan na rin po nila na may mga show na dumating at nawala pero sila nandun pa rin. So, ’wag po nating gawing kompetisyon ito, alam din po namin kung saan kami lulugar,” makahulugang pahayag ni Jodi. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANGELICA PANGANIBAN

BE CAREFUL WITH MY HEART

EAT BU

EAT BULAGA

JODI

NAMAN

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with