^

PSN Showbiz

Sarah si Psy ang kalaban sa Nickelodeon Kids’ Choice!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Makakalaban ni Sarah Geronimo sa pagiging Favorite Asian Act sa Nickelodeon Kids’ Choice Award 2013 ang sikat na Korean singer na si Psy, Han Geng ng China na Chinese-Mando pop singer-actor at Shila Amza ng Malaysia.

Hindi kami sure kung sabay ang announcement ng result sa Favorite Asian Act sa ibang nominees dahil nang bisitahin namin ang website ng Nickelodeon, may April 6, na date for the Philippines.

Anyway, simula na ng botohan noon pang Feb. 14, kaya iboto natin si Sarah lalo’t matitindi ang kalaban.

Derrick at Barbie panay ang lutu-lutuan

Gumaya si Derrick Monasterio sa pagiging echu­serong frog ni Mikael Daez dahil sa interview dito para i-promote ang Paroa na simula bukas ay after Forever na mapapanood. Sabi nito, flowers at cupcake na dadalhin pa lang niya sa condo nina Barbie Forteza ang Valentine’s Day gift niya rito.

Hindi alam ni Derrick na malalaman din namin na bu­kod sa mga nabanggit, may bracelet worth P10K din siyang gift sa ka-love team. Hindi ba napaka-echu­sero? Puwede namang sabihin ang tungkol dito!

Kaya pala kinuha nito ang P10K niya na hawak ng kanyang manager para siguro ibili ng bracelet. Sa rami ng V-day gifts ni Derrick kay Barbie, hindi pa rin daw siya nanliligaw sa dalagita at “very, very super close friends” ang status nila.

Halos hindi na naghihiwalay sina Derrick at Barbie dahil kung wala silang taping ng Paroa, naglulutu-lutuan, kundi sa condo nina Barbie ay sa bahay nila Derrick. Pasta muna ang mina-master ng da­lawa ngayon.

Young actor na anim na buwang nanligaw sa young actress, sinupalpal ng kanilang network!

Nakita naming sumama ang mukha ng young actor (YA1) nang banggitin naming six months pala siyang nanligaw sa isang young actress (YA2) pero binasted din siya. Tinanong kami kung sino ang nagsabi sa kanyang panliligaw kay YA2.

In fairness, ligaw to the max ang ginawa ni YA1 kay YA2, nagbabantay siya sa taping, dumadalaw sa bahay at niyayayang kumain sa labas si YA2 at madalas kasama ang ilang relatives ni YA2.

Natigil lang ang panliligaw ni YA1 kay YA2 dahil pinagbawalan siya ng bossing ng kanilang network dahil may ka-love team si YA2 na nasasagasaan.

Cesar nakakapag-promote sa GMA 7

Nag-promote si Cesar Montano kasama si Alvin Anson ng Alfredo S. Lim: The Untold Story sa Eat…Bulaga  last Saturday. At least, kahit taga-TV5 siya, welcome pa rin siyang mag-promote ng movie sa show na umeere sa GMA 7. May mall show din ang cast at ngayong araw, nasa SM Fairview sila.

Sa February 27, ang showing ng movie, sa Feb. 26, ang premiere night sa SM Manila na tiyak dadaluhuhan ni Mayor Alfredo Lim at ibang celebties. Maganda ang sinabi ni Cesar na sa pamamagitan ng pelikula, sana madagdagan ang kaalaman ng tao sa Manila.

 

vuukle comment

ALFREDO S

ALVIN ANSON

BARBIE

BARBIE FORTEZA

CESAR MONTANO

CHOICE AWARD

DERRICK MONASTERIO

FAVORITE ASIAN ACT

FEB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with