^

PSN Showbiz

Kris feel ang laplapan sa lesbian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Umalis kahapon si Kris Aquino papuntang Siargao Island para doon i-celebrate ang 42nd birthday kasama ang mga anak na sina Josh at Bimb, ang ate Pinky niya at husband nito na magsi-celebrate ng wedding anniversary, ilang kaibigan kasama si Zsa Zsa Padilla. Hanggang Feb. 17 sila sa Dedon Island at excited na ang TV host-actress sa activities na kanilang gagawin lalo na ang cooking lesson.

Tinapos lang ni Kris ang presscon ng Season Four ng Pilipinas Got Talent dahil pilot na ng reality show sa February 16. ‘Pag Saturday, after Maalaala Mo Kaya  ang time slot nito at ‘pag Sunday ay after Rated K na ikinatuwa ni Kris.

Siniguro rin nito at kapwa judge na si Mr. Freddie Garcia at hosts na sina Billy Crawford at Luis Manzano na ibang acts ang mapapanood sa PGT this season. 

Sabi ni Kris, she’s happy at wala siyang rasong malungkot, dumaan na ang birthday blues sa kanya. Bithday gift for herself ang makabili ng bahay sa isang village dahil ‘yun ang gusto ni Josh. Pinag-iipunan niyang makabili ng three houses para tig-iisa sila ng kanyang mga anak.

Nabanggit na rin ni Kris ang Cinemalaya film na offer ni Jun Lana, maganda ang role at matsa-challenge siya, kaya lang kailangan ang approval ng endorsements niya bago niya tanggapin.

“I want to do it dahil may guarantee ng international screening at maganda ang role at projects. Kaya lang, may kissing scene ako with a girl (lesbian) at may physical act. Kung ‘di ko man matanggap ang project, hindi dahil hindi ko gusto, but because of my endorsement,” sabi ni Kris.

Alessandra sawang-sawa nang maging kontrabida

Kami lang ba ang nakapansin na tila pagod na si Alessandra de Rossi maging kontrabida? Batay ito sa mga pahayag ng aktres sa presscon ng Alfredo S. Lim: The Untold Story na puro kontrabida ang ibinibigay na role sa kanya.

Bakit nga ba hindi siya i-try ng GMA 7 na bigyan ng different role, sa husay ni Alex, kaya nito kahit anong role para makita kung ano pa ang kaya niyang ibigay. Sana nga after Pahiram ng Sandali, ibang role naman ang gawin ni Alex.

Anyway, for the first time, pumayag sa kissing scene si Alex at dahil ang kiss ay sa mag-asawang nagkabati ni Mayor Lim played by Cesar Montano at hindi naman daw passionate ang kissing scene. Sa tanong kung bakit hindi sila na-link, sagot ni Alex, harmless siya.

How’s it working with Cesar?

“Masaya dahil makulit siya. Laging maraming food sa set. Very passionate siya as a director at sinisiguro niyang maganda ako sa screen. Hindi kasi ako sanay na maganda ako sa movie.”

Showing sa February 27 ang Alfredo S. Lim: The Untold Story at may premiere night sa Feb. 26 sa SM Manila.

Napansin namin sa movie bukod sa husay ng mga artista ay ang magandang location at cinematography.

Glaiza muntik na namang atakihin

Ipinalabas na ang episode ng Temptation of Wife kung saan may eksenang nakakulong si Glaiza de Castro. Sa isang presinto sa Marikina City ang location ng eksena at sa sobrang intense ng eksena, muling nag-hyperventilate ang aktres.

 Akala nito nakontrol na niya ang sakit niyang ito, pero muling sumumpong at muntik na siyang dalhin sa ospital. Mabuti at naagapan, pero after umokey ang kondisyon, tuloy ang kanyang taping.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

ALFREDO S

BILLY CRAWFORD

CESAR MONTANO

DEDON ISLAND

GLAIZA

HANGGANG FEB

UNTOLD STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with