^

PSN Showbiz

Eula hindi type magpaligaw kay Mayor Herbert

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Hindi ang indie film na Raketeros ang unang naiprodyus ng 7th Best Entertainment ni Harlene Bautista. Nagprodyus na sila noon ng Umaaraw, Umuulan na tinampukan ni Ryan Agoncillo.

Nagbabalik-pelikula lang si Mayor Herbert Bautista ngayon via 7th Best Entertainment. Wala pa ring pagbabago sa alkalde dahil palabiro pa rin siya sa syuting ng kanyang pelikula.

Bakit si Randy Santiago ang kinuha niyang direktor?

 â€˜â€˜Nagdidirek naman siya sa telebisyon gaya ng Aalug-alog. Siya ang assistant-director ng kanyang amang si Direk Pablo Santiago sa Ninja Kid noong 1986,” sabi ng alkalde ng QC.

Kumusta naman ang pagsasama nila ni Eula Caballero?

‘‘Masaya siyang katrabaho. Siya ang gumaganap na anak ko rito sa movie pero sa susunod gusto ko siyang maging leading lady. Maganda ang working relationship namin kaya naging komportable siya sa pagtatrabaho,’’ sabi pa ni Herbert.

Samantala ayon sa TV5 actress, komportable agad siya sa unang araw pa lang ng shooting dahil mabait si mayor sa mga kasama.

Nang malaman niyang gusto siyang makapareha ni Herbert sa susunod na movie ay tinanong namin siya kung ano ang pananaw niya sa mga lalaking manliligaw na mas may edad sa kanya.

‘‘Takot po ako sa lalaking mas may edad sa akin. Mas gusto ko ’yung ’di nagkakalayo ang edad namin,’’ sabi niya.

Dennis happy sa bagong asawa

Kasama rin sa Raketeros si Dennis Padilla na kakandidatong board member ng 3rd District ng Laguna. Taga-Nagcarlan pala siya at dun ang kinalakihan ng amang si Dencio Padilla hanggang mamatay ito.

  May bago siyang karelasyon, si Linda Garton, na taga-Australia at may isa na silang anak na lalaki.

vuukle comment

BEST ENTERTAINMENT

DENCIO PADILLA

DENNIS PADILLA

DIREK PABLO SANTIAGO

EULA CABALLERO

HARLENE BAUTISTA

LINDA GARTON

MAYOR HERBERT BAUTISTA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with