Jackie Lou binalikan ang pagtataray!
Sa wakas nabigyan din ng role na bagay na bagay sa kanya si Jackielou Blanco sa teleseryeng Indio. Ito ay bilang Doña Victoria Sanreal, asawa ng character ni Michael de Mesa. Kontrabida ang role ni Jackielou na siyang forte niya bago siya nag-lie low sa pag-aartista.
Magaling na artista ang magaling ding TV host kaya nakapanghihinayang kung itinigil niya ang pag-aartista niya.
Arnell napalaki ng matino ang anak
Kung matino naman si Arnell Ignacio at ginaÂgampanan ang kanyang pagiging ama ng mabuti, bakit nga siya ikahihiya ng kanyang anak dahil lamang sa kasarian niya? Hindi naman niya piniling maging gay, kaya bakit isisisi ito ng anak niya sa kanya? Kaya nga panay ang pasasalamat ng nag-iisang niyang anak sa kanya. Lumaki itong mabuÂting anak at hindi nagbigay ng problema sa kanya.
Inaamin ni Arnell na ang anak niya na Sofia ang pangalan ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Busy na sa 50th anniversary
Mukha yatang maganda ang naging dulot ng 2013 sa kaibigan kong si Veronica Samio. Minsan ko lang siyang nakita simula nang mag-New Year. Balita ko panay lang ang panonood niya ng sine. Ito ang nababasa ko sa mga column niya rito sa PSN.
Aba, Vero, baka naman lumabo ang mga mata mo? Minsan naman sabay tayo dahil gusto ko ring manood ng sine. Palagi ako sa PromeÂnade. Panay din ang paghahanda ko sa aking 50th anniversary sa showbiz na inaasahan kong magiging malaki at maganda ang selebrasyon. Dalawin mo naman ako o tawagan kaya. Gusto kong marinig ang opinyon mo sa maraming bagay.
- Latest





















