^

PSN Showbiz

Glaiza kinamumuhian nang husto

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-dami talagang pumupuri sa akting na ipinamamalas ni Glaiza de Castro sa Temptation of Wife. Katunayan, wala yatang manonood ng show ang hindi nagagalit sa kanya at gusto siyang tiris-tirisin. Sa lahat nang ito, ngiti lamang ang naisusukli ng aktres. Feeling niya isang blessing ang pagkakabigay sa kanya ng role, talagang nailabas niya ang hinihingi ng role. Hindi na baleng kainisan siya ng lahat, maipakita lamang niya ang kanyang versatility. Nakikita naman niyang hindi totoo ang galit sa kanya ng manonood. Kapag nakikita nila siya sa labas, wala namang sumasabunot sa kanya,  sa halip na papuri ang tinatanggap niya.

Pero sa akin, ang daming nagtatanong, sino raw ba sa kanila ni Marian Rivera ang mas mahusay na artista? Kayo ba masasagot n’yo? Ako hindi dahil kung nagagalit man ako kay Glaiza, nagagawa namang paiyakin ni Marian ang mga maid of honor ko sa bahay. Nakow, dahil kay Marian, galit na galit tuloy sila sa mga lalaki ngayon, lalo na ‘yung dalawang happily single pa hanggang ngayon na sina Chuchi at Carmelite. Di ba, mga miss? 

Bea makikipaghalikan na kahit 14 lang

Kung si Julia Montes ay nitong magwawakas na lamang ang Walang Hanggan at may-asawa na ang role at saka napasabak sa mga eksenang halikan na halata mong dinaya lamang, si Bea Binene ay dapat may kissing scene din kay Alden Richards na ewan ko kung gagawin niya, kahit katorse pa lamang siya. Pinapayagan na ba ang mga ganito kabata na gumawa ng mga eksenang halikan? ‘Yun ang dapat nating abangan sa Indio. 

Neil dapat mag-ala Dennis Padilla

Sana tulad ni Dennis Padilla na isa sa pinaka-most memorable role na ginawa sa aking palagay ay ‘yung pagiging sidekick ni Robin Padilla sa isang pelikula na ginawa nila kasama si Sharon Cuneta, sana maging memorable din ang pagsa-sidekick ni Neil Coleta kay Coco Martin sa Juan dela Cruz. Magkokomedi siya rito bilang contrast sa napaka-seryosong role ni Coco na aksiyon naman ang sasabakan for the very first time on TV.

Marami ang nagsasabi na ang sidekick ay malaki ang nagagawa para mapagaling ang role ng kanyang sina-side-kikan, sana nga malaki ang maging ambag ni Neil para mas mapaganda ang role ni Coco.

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BEA BINENE

COCO MARTIN

DENNIS PADILLA

GLAIZA

JULIA MONTES

MARIAN RIVERA

NEIL

NEIL COLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with