^

PSN Showbiz

All the way ang suporta Richard sobrang in love kay Sarah

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Dalawang linggo na lang at magtatapos na ang Magdalena. Kasabay nang pagtatapos ang pahirap kay Bela Padilla dahil inaatake siya ng acid reflux sa sobrang stress sa taping.

Bukas ay mapapanood ang mga eksenang pinaghahandaan na nina Abel (Dion Ignacio) ang kasal nila ni Carol (Pauleen Luna).

PAK: Ibinuking sa Startalk ang parang magandang pagti­tinginang namamagitan kina Alden Richards at Julieanne San Jose.

Nung nakaraang Pasko ay isang neck pillow na may teddy bear head ang iniregalo ni Alden kay Julieanne at niregaluhan naman daw siya ng huli ng chocolates.

Pero nung nakaraang birthday ng young actor ay may iniregalo raw si Julieanne kay Alden na itinanggi naman ng huli.

Ayaw naming maniwala dahil may nagkuwentong meron na raw birthday gift si Julieanne sa kanya.

Itinatanggi naman ni Alden na nanliligaw siya, pero sinabi naman niyang sino raw ba ang hindi ma-in love kay Julieanne.

Maingat si Alden sa pagsagot tungkol sa isyu nila ni Julieanne dahil baka ikagalit daw ito ng mga Julielmo fans.

BOOM: Bawal pag-usapan ang isyu ni Sarah Lahbati sa presscon ng Seduction. Maingat si Richard sa pagsagot pero halatang in love ito sa young actress at inamin naman niyang na kay Sarah ang suporta niya sa pinagdaanan nito ngayon.

Naikuwento lang ni Richard na masaya at very memorable ang Pasko at Bagong Taon na ipinagdiwang nila sa Cebu dahil kasama nito si Sarah.

Inaasahang nandito pa si Sarah sa showing ng pelikula nila ni Richard sa January 30 dahil handa na rin naman daw ang Mommy ng young actress na mapanood ito.

Dati raw kasi ay parang hindi pa ready ang Mommy ni Sarah na mapanood ang anak niyang gumagawa ng ganun ka-daring na pelikula. Pero ngayon ay okay na raw ito at tanggap na raw na kaya na ni Sarah ang mga mapangahas na eksena sa pelikulang Seduction.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BAGONG TAON

BELA PADILLA

DION IGNACIO

JULIEANNE

JULIEANNE SAN JOSE

MAINGAT

PASKO

PAULEEN LUNA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with