Nora at Erap plastikan lang ang pagbabati?
Sana ang pagbabati nina Nora at Erap ay hindi maging tulad ng pagbabati ng dalawang anak ng dating pangulo na ginawa lamang para mapagbigyan ang ama, pero sa katotohanan ay hindi pa talagang magkabati ang magkapatid.
Lumipas na ang matagal na panahon, dapat talagang kalimutan na nila ang nakaraan. Tutal pulitika lang naman ang pinagkagalitan nila. This is less than the friendship that they shared in the past.
Kris hindi tinatantanan ng mga nang-aalipusta
Kawawa naman si Kris Aquino, nagpasilip lang ng boobs ay kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi tungkol sa kanya na ang karamihan ay hindi maganda at nakasisirang puri. Ang dami-dami naman diyan na halos lumuwa na ang boobs, pero hindi pinapansin ng marami pero, bakit sa kanya, bigla silang nag-react?
Maganda naman ang pagdi-display na ginawa niya, hindi nakakahiya at may karapatan naman siya pero, bakit ayaw nila? Dahil ba kapatid siya ng Pangulong Noynoy Aquino at hindi raw dapat nagpapaka-cheap?
Anne marami nang ipon, gusto nang magpahinga?!
Lubha bang napagod si Anne Curtis o marami na siyang ipon kaya sa 2013 ay gusto na lang niyang magpahinga nang magpahinga? Aba, eh ang dami niyang gustong puntahan sa susunod na taon. Paano kung maraming offers, tatanggihan na lang ba niya?
Palabas na sa 2013 ang Kailangan Ko’t Ikaw na pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Robin Padilla. Tiwala si Anne na napakaganda ng serye nila kung kaya kahit hindi siya gumawa ng bagong proyekto ay hinding-hindi nila siya makakalimutan. Aber, mapanood nga.
ER gumastos sa research
Mukhang nagiging trendsetter si Gov. ER Ejercito sa paggawa ng mga historical films na gumagastos ng malaki sa research pa lamang.
Marami raw ang magugulat sa katotohanang ibinabahagi ang kanyang pelikulang El Presidente sa mga nauna nating pinaniwalaang istorya tungkol sa unang pangulo ng republika at sa itinuturing nating ama ng katipunan.
Ang mga rebelasyon sa pelikula ay hindi kaya magbigay ng kaguluhan sa kasaysayan ng ating bansa?
- Latest
























