^

PSN Showbiz

Pacman babawi sa birthday concert!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ngayon ang arrival ni Congressman Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California, tatlong araw pagkatapos ng historical fight nila ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas noong Linggo.

From the airport, didiretso si Papa Manny sa Midas Hotel dahil ito ang kanyang official residence.

Malapit lang ang Midas Hotel sa Mall of Asia na venue ng free show ni Papa Manny.

Ipagdiriwang ni Papa Manny ang kanyang 34th birthday sa susunod na linggo kaya advance birthday celebration niya ang magaganap ngayong ha­pon sa Mall of Asia.

LOLA NI JULIA GUSTO NA RING MAG-ARTISTA

Love na love ni Julia Montes ang kanyang Lola Flor na celebrity na rin dahil starring siya sa TV ad ni Congressman Sonny Angara tungkol sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Kasama ni Julia ang kanyang Lola Flor sa Thanksgiving presscon ni Papa Sonny.

Naaliw kay Lola Flor ang mga reporter dahil gaya ng kanyang apo, komportable na siya sa pakikiharap sa entertainment press.

Malakas ang kutob ko na aspiring actress din si Lola Flor noong kabataan niya pero ang kanyang apo at hindi siya ang naging artista.

Payag si Lola Flor na lumabas sa mga teleserye ng ABS-CBN at willing siya na ipa-manage sa Star Magic ang kanyang acting career. Sosyal ‘di ba?

 Ang sey ni Mama Flor, pinalad sila ng kanyang apo dahil sa tulong ng Star Magic kaya tumatanaw sila ng utang na loob sa talent management company ng Kapamilya Network.

Sina Julia at Lola Flor ang pinili ni Papa Sonny para maging celebrity endorsers ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 dahil sa kanilang credibility na hindi matatawaran. Si Lola Flor ang nag-alaga at nagpalaki kay Julia na inaakusahan na nagbago mula nang sumikat pero pinabulaanan niya. Likas ang pagiging mahiyain ni Julia kaya napagkakamalan siya na suplada ng mga tao na hindi nakakakilala sa kanyang tunay na pagkatao.

Hindi nagtagal si Julia sa Thanksgiving presscon ni Papa Sonny dahil may trabaho pa siya.

Isang oras lang ang paalam ni Julia sa ABS-CBN at pinayagan naman siya na dumalo sa event ni Papa Sonny.

HERBERT NAGPA-PARTY SA PRESS

Ginanap kagabi sa Wil’s Events Place ang Christmas Party ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa entertainment press.

Ang idaos sa Quezon City Hall ang Christmas party ang original plan pero inilipat ito sa ibang venue na pabor sa karamihan dahil mas malapit ang lugar.

Si Herbert ang isa sa mga bida ng Pamana episode ng Shake, Rattle and Roll Fourteen, The Invasion na official entry ng Regal Entertainment Inc.sa Metro Manila Film Festival.

 Hindi nakagawa ng pelikula si Herbert mula nang maging mayor siya ng Quezon City kaya naisip niya na magdaos ng Christmas party para sa showbiz press sa kanyang pagbabalik sa showbiz at sa Regal Entertainment Inc.

KAHIT WALANG LOVE LIFE, JANICE BAWING-BAWI SA ACTING

Co-star ni Herbert sa Pamana si Janice de Belen na starring din sa The Strangers na official entry din sa MMFF 2012.

 Totoo ang sinabi ni Popoy Caritativo na sa lahat ng kanyang mga alaga, si Janice ang humataw nang todo da­hil nakagawa siya ng maraming pelikula nga­yong 2012.

Blessed na blessed si Janice dahil bukod sa mga pelikula na kanyang ginawa, visible si­ya sa TV.

Walang lovelife si Janice pero bawing-bawi siya sa magandang takbo ng kanyang acting career.

AMY BUMABATA KUNG KAILAN NAGKAKAEDAD

Advance happy birthday kay Amy Austria na magdiriwang bukas ng kanyang 51st birthday.

Golden girl na si Amy at sa lahat ng 50-years old, siya ang mukhang 30-years old.

Dahil sa timeless beauty ni Amy, ang 50 ang new thirty.

Kinaiinggitan si Amy ng mara­ming babae dahil habang nagkakaedad, lalong bumabata ang kanyang mukha na never na nakatikim ng retoke.

DAHIL

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

FLOR

JANICE

JULIA

KANYANG

LOLA FLOR

PAPA MANNY

PAPA SONNY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with