^

PSN Showbiz

The Princess’s Man, eere sa GMA Telebabad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula Lunes (November 19), ihahatid ng GMA Network ang pina­ka­bagong Asianovela na aabangan gabi-gabi sa primetime TV, ang The Princess’s Man. Mapapanood ito pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA Telebabad.

Tampok sa The Princess’s Man ang love story ng anak ni Prince Suyang na si Se Ryung  na gagampanan ni Moon Chae Won at Park Shi Hoo bilang Seung Yoo, ang anak ng kalabang si Kim Jeong Seo.

Si Lee Se Ryung ay isang matalino, malambing, at panganay na anak ni Prince Suyang. Makikilala niya ang masayahing teacher na si Kim Seung Yoo ng Royal Academy sa isang tutoring session. Hindi magtatagal, mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa pero  matutuklasan ni Seung Yoo na hindi si Se Ryung ang tunay na prinsesa  kundi ito ang  anak ng lala­king pumatay sa kanyang ama at kapatid  na  labis na nagpahirap sa buhay ng kanyang pamilya.

Higit namang magiging kumplikado ang lahat nang mangako si Prince Su­yang na ipapakasal si Se Ryung kay Shin Myeon (Song Jong-ho), isa sa matalik na kaibigan ni Seung Yoo. Pilit mang tinatanggihan ni Lee Se Ryung  si Shin Myeon, lalo namang lumalalim ang pagkahumaling niya kay  sa prinsesa.

Habang unti-unting nalalaman ni Se Ryung ang tungkol sa pagiging sakim sa kapangyarihan ng kanyang ama, maglalaban ang kanyang katapatan sa pamilya at ang nais niyang makasama si Seung Yoo. Haharapin din ni Se Ryung ang paghihiganti ng pinsang si Princess Kyung Hye (Hong Soo Hyun).

Matalikuran kaya ni Seung Yoo ang planong paghihiganti laban sa ama ni Se Ryung? Makuha kaya ni Shin Myeon ang puso ni Se Ryung? Hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo makuha lang si Se Ryung?

Malalaman na kung ano ang mas matimbang, pag-ibig o paghihiganti, sa pagsisimula ng The Princess’s Man sa Lunes (November 19), pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA Telebabad.

 

vuukle comment

HONG SOO HYUN

KIM JEONG SEO

KIM SEUNG YOO

PRINCE SUYANG

RYUNG

SE RYUNG

SEUNG YOO

SHIN MYEON

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with