^

PSN Showbiz

Andi napatunayang ’di talaga siya mahal ni Jake

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang magandang relasyon nina Andi Eigenmann at ng anak ng dating Pangulong Joseph Estrada sa dating artistang si Laarni Enriquez.

Pinagrabe pa ang sitwasyon nang pagpapalitan ng mga maaanghang na salita ng ina ng dalawang magkarelasyon.

Expected na ito, ’di ba? Dito sa atin ay talagang maliit ang tingin sa mga dalagang ina. Bihirang nanay ang gugustuhing makatuluyan ng binata nila ang isang babaeng may sabit. Kaya ikaw Andi, dapat masanay ka na. Dito mo nga mapapatunayan na kung talagang mahal ka niya at ipaglalaban ka niya. Pero kung hindi, sorry ka na lang.

Yam Concepcion, agaw-pansin na

Parang mali ’yung pinaniniwalaang dahilan ng ma­raming artista sa pagpapa-sexy. Ngayong nakakita na naman sila ng isang may pinag-aralan na sa pagpapa-sexy gustong makilala ay nagtatanong sila, nagtataka na para bang ang mga hindi lamang nakatuntong ng kolehiyo at ’yung mga walang choice ang nagbo-bold. Pero heto si Yam Concepcion na nagtapos ng kolehiyo sa St. Benilde ng De La Salle Univerisity at sa paghuhubad sa pelikula sumasabak.

Bukod sa pelikulang Rigodon ni Erik Matti na nakatakda ng mapanood, cover din siya ng isang sikat na men’s magazine. Hindi pa man naipapalabas ang kanyang pelikula ay umaagaw na siya ng interes ng marami. Tingnan nga natin kung mapapangatawanan niya ito.

Baron kailangang magpakita ng pagbabago

Poor Baron Geisler, nalagay na naman siya sa alanganin dahilan sa kanyang bisyo. Dapat at todo bantay na siya sa sarili at siguruhin na hindi na mapapangunahan ng kanyang pag-inom. Nabigyan na siya ng imahe ng isang manginginom, humawak man siya ng bote, kahit softdrink ito, sasabihing alak.

Kaya umiwas na siya sa gulo, sa mga pagkakataon na masusubok ang kanyang katatagan sa pag-iwas uminom. Dahil natatatakan na siya. Kailangan niya ang magpakita ng pagbabago sa lahat ng oras at pagkakataon.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

DE LA SALLE UNIVERISITY

DITO

ERIK MATTI

KAYA

LAARNI ENRIQUEZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERO

SIYA

YAM CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with