^

PSN Showbiz

Aktor na gustong maka-iskor kahit alam na committed na kay Dingdong, nakatikim ng sipa kay Marian!

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK : Bagay na bagay sa nalalapit na Undas ang mga kuwentong kababalaghan na ihahatid ng Hot TV bukas. Ilan sa mga ito ay ang kuwento ng mga espiritung sumasama sa pagpapalitrato, na tinawag nilang multograph. May ibabahagi rin na gamot sa kabag at usog na puwede raw gamutin ng isang uri ng gagamba.

Babalikan din ng Hot TV ang mga dating young stars na tinitilian noon ng kanilang mga fans. Merong abala na sa mga kiddie parties, meron ding abugadang humaharap sa ‘yo sa MMDA. Pero kapansin-pansing parang may bahid nang pagkalambot itong dating teen heartthrob.

PAK : Muntik nang magsalita ang isang young actor tungkol sa hinaing niya sa pamilya ng kanyang girlfriend na isa ring young actress. Parang napuno na siya sa mga natatanggap niyang pananakot na minsan ay naha-harass na siya ng mga ito.

Pinigilan lang siya ng mga taong malapit sa kanya, kaya tumahimik na lamang siya. 

Pero pansamantala lang daw ang pa­na­nahimik nito dahil kung patuloy pa rin daw siyang gululuhin ng pamilya ng babaeng mi­nahal niya nang husto, baka magsalita na rin siya.

Iniisip lang daw niya si young actress na mahal na mahal niya, kaya ayaw na muna niyang magsalita.

Sabi nito, hindi naman daw niya lolokohin si young actress dahil tinamaan daw siya nang husto, pero sana patahimikin na rin daw silang dalawa at huwag na siyang guluhin ng pamilya ni girl.

May ilang panggugulo kaming naririnig pero ‘di na namin isusulat dahil bigay na bigay na kung sino ang tinutukoy namin.

BOOM : Si Marian Rivera ang bida sa bagong Telebabad ng GMA 7 na Temptation of Wife, pero proud ang aktres na hindi siya madadala sa mga tukso dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Ding­dong Dantes.

Sa ganda ni Marian, maraming mababaliw na lalaki sa kanya, pero hindi na sila pinapansin nito. 

May ilang katrabaho na kahit alam nilang committed na si Marian kay Dingdong, pumuporma pa rin sila at nagpapapansin baka kaya nilang ahasin kay Dingdong.

Naalala naming merong isang male celebrity na nagpapaandar kay Marian na parang nagpapa-cute pero hindi siya umubra dahil nakatikim ito ng sipa mula sa maganda at palaban na Caviteña.

Magmula nun ay ilag na si male celebrity kay Marian dahil alam niyang irita ang aktres sa mga nagpapaandar na parang gustong maka-iskor.

Pahapyaw na tinanong namin ito kay Marian, pero iniwasan na niyang pag-usapan. Pabirong kinurot kami na huwag na naming ikulit sa kanya iyun.

vuukle comment

BABALIKAN

BAGAY

CAVITE

DAHIL

DANTES

PERO

SI MARIAN RIVERA

SIYA

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with