^

PSN Showbiz

Piolo pinuri sa pananahimik!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

 Ngayon ako mas lalong bumilib kay Piolo Pascual. Nakita ko kasi kung paano niya sininop ang kanyang kita na ipinambili niya ng bahay sa Las Vegas at maging sa LA. Nakita ko sa TV ang mga bahay niya at humanga ako sa ganda ng mga ito.

Pinupuri ko rin siya sa ginagawa niyang pananahimik sa mga isyu tungkol sa kanya. Kung sa iba nangyari ‘yung tila ayaw siyang tigilan ng marami sa pagsasabi ng mga kanegahan tungkol sa kanya, aba baka noon pa ay gupo na siya. Pero Piolo has remained standing and tall. Hindi nga naman siya maaapektuhan ng mga bagay na hindi niya pinahahalagahan. Ang maganda sa kanya anumang problema ang dumating sa buhay niya, never siyang bumitaw sa Panginoon. Kaya maari bang tantanan n’yo na siya, kayong mga gustong magpabagsak sa kanya?!

Cogie kailangan ng matinding comeback break

Kung meron din akong gustong mabigyan ng break dahil karapat-dapat naman talaga, ito ay si Cogie Domingo. Hindi sapat sa akin ‘yung naririyan nga siya pero kung anu-ano lang ang role na gina­gampanan niya.

Kailangan niya ng matitinding proyekto para makabalik na siya ng tuluyan. Sayang ang talento niya na nalilimitahan sa pagganap ng kung anu-ano lang na mga roles.

Mananatili akong loyal sa GMA

Pinalaki ang aking puso ng aking pakikipag-meeting sa mga bossing ko sa GMA na sina Atty. Gozon, G. Duavit at  G. Yalong. Sa kabila ng aking kaliitan ay nanlaki ako sa mga binitawang magandang salita sa akin mismo ng pangulo pa ng GMA. Sinabi nito na nire-recognize nila ang pangyayaring ako ang unang nagpasok ng malaking pera sa GMA at ito ay malabis na pinahahalagahan nila. Hindi naman ako nahihiya dahil sinusuklian ko hindi lamang ng kasipagan   kundi maging ng walang hanggang katapatan. I have offers to revive That’s Entertainment sa ibang istasyon pero, ayaw ko.

Hindi rin ako tumatanggap ng imbitasyon na mag-judge sa mga reality searches ng ibang mga network bilang delicadeza.  Sa mga ganitong maliliit na paraan ko lamang maipapamalas ang aking loyalty sa istasyon.

Daniel dadayo sa GMA 7

Hindi naman nakasipot sa FAMAS affair si Daniel Padilla na inaanak ko sa binyag huh! At isa sa pinili kong youth achiever. May taping daw ito ng kanyang teleserye pero, nangako ang kanyang inang si Karla Estrada na darating ito sa October 19 sa taping ko ng Walang Tulugan para pormal na tanggapin ang kanyang award. Hihintayin ko siya.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

DANIEL PADILLA

KARLA ESTRADA

LAS VEGAS

NAKITA

NIYA

PERO PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with