^

PSN Showbiz

Coco inabuso ang katawan!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Marami ang nag-aalala sa sobrang pagpapagod ni Coco Martin. Pati kalusugan niya ay naisasakripisyo na niya. Biruin mo pati pagpapa-check-up ay hindi na niya mabigyan ng panahon.

Kalokohan yan Coco, huh! Kapag ginusto mo, you can always ask permission. I’m sure papayagan ka naman dahil importante kang artista ng kumpanya. Hindi naman siguro gugustuhin ng network mo na magkasakit ka dahil mas maaabala sila, at ang proyekto na ginagawa mo kapag nagkasakit ka.

Huwag mo namang abusuhin ang katawan mo. Your health is not worth all the money that you’re earning. Epektibo ka lamang kapag nakapagtatrabaho ka. Kapag hindi na, wala nang gugusto sa iyo. Kaya, huwag mo nang ipagpabukas pa. Patingin ka na sa doktor ngayon!

Marian hindi tinalaban ng intriga kay Isabelle

Bless you, bless you, Marian Rivera na hindi mo pinapatulan ang isyu kay Isabelle Daza. Pareho namang itinatanggi nito at maging ni Dingdong Dantes ang pagiging hindi totoo ng pagli-link sa kanila.

You’re doing fine, Marian. Just continue sa pag­dededma ng isyu at magsasawa rin ang mga kalaban mo kapag nakita nilang walang kapupuntahan ang pang-iintriga nila sa iyo.

Hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan’

If only for the fact na nagkaroon ng magandang resulta ang pagkakaroon ng isyu ni Bea Binene sa dating boarder nilang DJ at ang disgusto nila ni Atty. Ferdinand Topacio dahil nagkabalikan silang mag-ama, dapat wakasan na nilang mag-ina ang problema nila sa abogado para maasikaso na niya ang tuluyang pagkakalapit muli nila ng tatay niya.

Sa mga naging kaganapan, sana ay maging wise na sila at makakuha ng magandang leksiyon sa susunod nilang  pakikipagrelasyon sa ibang tao. Hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan.

Produ ng concert ni Ate Gay, malakas ang loob na mag-produce sa Arena

Napakalaki naman ng puso ni Joed Serrano para sugalan ng isang malaking concert si Ate Gay. Sa Arena Mall of Asia ito magaganap sa Nobyembre 30. Kaya ba this early ay may mga pinauugong na silang mga gimik  para bumenta ang show?

Wala namang ganyanan, nakakainsulto ito kay Ate Gay. Hindi naman siguro siya pagkakatiwalaan ng concert ni Joed kung hindi nito inaakala na makapagbebenta siya ng maraming tiket. Bukod diyan, andiyan pa at magiging guest niya si Nora Aunor na kahit hindi makakanta, ang presence lamang ay sapat na para makitang susuportahan niya ang nag-i-impersonate sa kanya. Sa halip na intrigahin sila ni Vice Ganda, bakit hindi na lang nila imbitahin ito para maging guests? Sinabi naman nito na willing siyang mag-guest kay Ate Gay dahil friends naman sila.

vuukle comment

ATE GAY

BEA BINENE

COCO MARTIN

DINGDONG DANTES

FERDINAND TOPACIO

ISABELLE DAZA

JOED SERRANO

KAPAG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with