^

PSN Showbiz

Natitirang trabaho sa TV5 tatapusin na lang, Lorna nagpictorial na agad sa Kapuso

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Si Shelly Hipolito na protégé ni Ricky Davao ang natanggal sa gala night kamakalawa ng gabi sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break.           

Napasama siya sa bottom three na kabilang sina Japs de Luna at Bryan Benedicto. Pero hindi na-save si Shelly ng text votes kaya siya na ang nagpaalam nung gabing iyon.

Dadaan sa maaksiyong challenge ang naiwang protégés, kaya abangan ang update nito gabi-gabi sa Inside Protégé ni Jennylyn Mercado.

PAK: Muling bumabalik si Mystica na may panibagong isyu tungkol sa kanyang healing power.

Marami ang nag-react sa amin nang lumabas ito sa Startalk na nagkuwentong tumigil na siya sa panggagamot dahil sa bumabalik sa kanya ang mga sakit na napagaling niya.

Kaya ang ending, nakipag-relasyon si Mystica sa 22-year-old na talent. Kahit kalahati na raw ito ng edad niya, naramdaman niyang mahal siya ng bagets na hindi na ito umuwi sa kanyang nanay at gustong siya na lang ang kasama.

BOOM: Kasali na si Lorna Tolentino sa pictorial ng Haram sa GMA 7 kahapon ng umaga.

Tuloy na tuloy na nga ang paglipat niya sa GMA 7 pagkatapos nang mahigit isang taong kontrata niya sa TV5.

Walang mairereklamo si Lorna sa pakikitungo sa kanya ng Kapatid Network. Maganda lang ang offer ng GMA 7, kaya nag-decide itong lumipat na.

Tatapusin lang ni Lorna ang natitira niyang episodes sa Third Eye at ang finals ng Artista Academy.

vuukle comment

ARTISTA ACADEMY

BIG ARTISTA BREAK

BRYAN BENEDICTO

EACUTE

INSIDE PROT

JENNYLYN MERCADO

KAPATID NETWORK

LORNA

LORNA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with