^

PSN Showbiz

AiAi magpapalit na ng apelyido! Alay Tawa, tagumpay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Successful ang napakaambisyosong project na Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy na ginanap sa SM-MOA Arena kamakalawa ng gabi. Sa opening number pa lang na pinagsamahan nina Martin Nievera, Gary Valencia­no, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Sharon Cuneta, tuwang-tuwa na ang mga tao, lalo na’t sinundan ito ng mga production numbers na pinagsamahan ng mga talents ng ABS-CBN 2, GMA 7, at TV 5.

Dumalo si Zsa Zsa Padilla sa event na iyun at umupo katabi si Charo Santos. Taus-puso itong nagpasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa malaking event na ito.

Mapapanood ang Dolphy Special sa September 30, Linggo na sabay-sabay na iere sa tatlong TV network.

PAK: Nakorner namin sa event na iyun si AiAi delas Alas pero safe ang sagot pagdating sa isyung balak nitong pagpapakasal. Katabi niya si Kuya Boy Abunda nang sinagot ang isyung iyun pero si Kuya Boy naman ang sagot nang sagot at napapangiti lang si AiAi.

Sinabi ni Kuya Boy na pagdating sa kanyang (AiAi) pag-ibig ay sinasabi naman daw lahat sa kanya. Botong-boto raw siya sa boyfriend ngayon ng Comedy Concert Queen at wala raw siyang kontra kung ano man ang balak nito. Sinundan namin ng tanong si AiAi kung totoo bang pagkatapos ng taong ito ay iba na ang apelyido niya - natameme ito at hindi na niya alam kung ano ang susunod niyang sagot, umalis na ito at hindi na kami nasagot.

BOOM: Maganda naman ang eksena sa holding area ng SM-MOA Arena na kung saan nagtagpo sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa loob ng kuwarto. Nilapitan ni Heart si Marian at bumeso ito. Ngumiti naman si Marian at tinanggap ang inalok ni Heart na pakikipagbati.

Hindi sila nagkausap pero mukhang okay na sila at wala nang dedmahan kapag magkasalubong sila sa GMA 7. 

Matagal ding nagkasama sa loob ng kuwarto, pero katabi naman ni Marian sina Dennis Trillo at ang manager niyang si Popoy Caritativo. Si Heart naman ay si Raymond Gutierrez ang katabi at iyun lang ang kausap niya. Pero okay na raw sila.

Hindi na nagkomento si Marian sa pagbabati nila ni Heart. Sabi naman ng huli, tingin daw niya nasa oras lang daw ang pakikipagbati nito, iyung hindi siya pinilit para makipag-ayos. “She’s  very nice,” paglalarawan ni Heart kay Marian.

“Mukhang okay naman lahat. Mararamdaman mo naman kung tama ‘yung timing,” dagdag pa niyang pahayag.

vuukle comment

A MUSICAL TRIBUTE

ALAY TAWA

CHARO SANTOS

COMEDY CONCERT QUEEN

DENNIS TRILLO

DOLPHY SPECIAL

GARY VALENCIA

HEART EVANGELISTA

KUYA BOY

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with