^

PSN Showbiz

Nora Aunor hindi na makakanta, doktor may nadiskubreng ibang sakit?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Todo rehearsal na kahapon ang mga kasali sa gaganaping Dolphy: Alay Tawa (A Musical Tribute To The King Of the Philippine Comedy) sa MOA Arena ngayong gabi.

Kakaiba ang magaganap dahil mapapanood sa tatlong channel ang nasabing palabas – ABS-CBN, GMA 7, and TV5. May kanya-kanya ring artista ang bawat network na first time mangyayari bilang pagkilala sa mga naiambag ng hari ng komedya sa industriya.

Kasama sana sa mga magpe-perform ang superstar na si Nora Aunor dahil ito ang nagpipilit na kumanta. Pero ayon sa director ng Alay Tawa na si Al Quinn, imposible raw na makakanta ang superstar dahil wala raw halos lumalabas na boses kay Ate Guy. Eh gustung-gusto pa naman daw ni Ate Guy kumanta para sa tribute kay Tito Dolphy.

Ang sinasabi raw ni Ate Guy ay dahil sa retoke niya dati pa pero ayon sa isang source, may na-detect daw ang doctor na ibang sakit ni Ate Guy kaya nahihirapan itong ibalik ang boses niya. May binanggit ang source kung ano ‘yun pero verify ko muna bilang medyo maselan.

Si Ate Guy sana ang magiging representative ng TV5 kasama si Sharon Cuneta sa Alay Tawa.

Ilan pa sa mga mapapanood ngayong gabi sina Vilma Santos, Vic Sotto, Joey de Leon, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Boyet de Leon, Maricel Soriano, Roderick Paulate, Martin Nievera, Gary Valenciano, AiAi delas Alas, Ogie Alcasid, Edu Manzano, Janno Gibbs, Pauleen Luna, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Luis Manzano, Vhong Navarro, Shaina Magdayao, Paolo Bediones, Derek Ramsay, Mark Herras, John Estrada, Jolina Magdangal, Ruffa Gutierrez, brothers Richard and Raymond Gutierrez, Ruby Rodriguez, Keempee de Leon, Wendell Ramos, Edgar Allan Guzman, Martin Escudero, Iya Villania, Denise Laurel, Melai Cantiveros, Rachelle Ann Go, at Bulilit Kids.

Sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Rosa Rosal, Nova Villa, German Moreno, Daisy Romualdez, and Susan Roces ay may special participation.

Jennylyn pumiyok na sa bentang na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Paolo at Lian!

Pumiyok na raw si Jennylyn Mercado sa sunud-sunod na blind item na sinasabing siya diumano ang dahilan sa hiwalayan ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz.

Ayon sa isang text message, itinanggi diumano ng girlfriend ni Luis Manzano ang isyu.

Si Lian ang unang nagsabi na umano’y nakita niya ang mga messages ng isang TV host-actress sa cell phone ng kanyang asawa. Pero hindi naman niya pinangalanan si Jennylyn. Pero may nagsabing isang source na si Jennylyn diumano ang kanyang tinutukoy.

Dati pang na-link sina Jennyln at Paolo pero noong hindi pa sina Luis Manzano at Jennylyn. Pero ngayon ay may Luis na si Jennylyn kaya nakakatakang may issue na textmates sila ni Paolo na nahuli diumano ni Lian.

Bukod kay Paolo, dati na ring naintriga si Jennylyn kay Raymart Santiago. Pero hindi gaanong lumaki ang isyu.

vuukle comment

A MUSICAL TRIBUTE TO THE KING OF THE PHILIPPINE COMEDY

AL QUINN

ALAY TAWA

ATE GUY

BULILIT KIDS

DAISY ROMUALDEZ

JENNYLYN

LUIS MANZANO

PERO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with