^

PSN Showbiz

Pacman inuubos ang panahon sa Bible study

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Marami ang kinakabahan sa kawalan ng training ni Rep. Manny Pacquiao para sa laban niya kay Juan Manuel Marquez. Nauubos kasi ang panahon nito sa pagsi-share ng mga salita ng Diyos at pagba-Bible study.

May magagawa ba kayo kung ito ang prayoridad ng Pambansang Kamao? I’m sure ayaw niyang matalo pero matalo man siya ay malaking pera rin naman ang tatanggapin niya. He will not be a lesser boxer kapag natalo siya. Napakarami niyang hawak na titulo ’noh?!

Manny has given his country honors. Baka naman Diyos ang gusto niyang maparangalan this time. Pabayaan n’yo siya, entitled siya sa buhay niya at sa gusto niyang takbuhin nito. It’s God before boxing.                                

Aljur nakalamang kay Paulo

Kung pinipintasan si Paulo Avelino sa Bench Universe dahilan sa kawalan niya ng bukol na puwede namang naremedyuhan kung ginusto ng Kapamilya star pero wala siguro siyang gustong i-please sa mga manonood. He was there to promote Bench undergarments and not himself kaya huwag na siyang hanapan pa ng kung anu-ano.

Kaya nabunton ang paghanga kay Aljur Abrenica dahil sa kanya nakita ng audience ang hinahanap nilang bukol sa mga ibang lalaking rumampa.

Marami ang nagtatanong kung ang la­kas ng loob ni Aljur para magbilad ng ka­tawan niya ay inspired ng kanyang kaga­lakan dahil iginawa siya ng kanta ni Kylie Padilla? Hindi man sila nagkatuluyan, it proves na may maganda siyang alaala na iniwan sa puso ng dalaga.

LT at Pia tanggap nang maging mag-balae?

Anak daw ni Lorna Tolentino ang kasalukuyang boyfriend ni Maxene Maga­lona? Kahit daw itinatanggi nito ang relasyon nila ni Renz Fernandez, kinikilig ang anak ng Master Rapper kapag nababanggit ang pangalan ni Renz. Aprubado naman kaya sa relasyon nila ang mga magulang nila?

Sana nga dahil nasa edad na pareho ang dalawa. Wala ng magagawa sina LT at Pia Magalona kundi ang pag-aralang maging mabuting mag-balae.                                

Kapuso raratsada sa old favorites

Magsasawa ang Kapuso fans sa gagawing pag­babalik sa ere ng GMA 7 ng mga programang dati nang kinagiliwan ng mga manonood. Tulad ng Pe­pito Manaloto.

Ibabalik din ang Magpakailanman na hino-host ni Mel Tiangco. Ibabalik din ang Koreanovelang Temptation of Wife pero gagawing Pinoy at tatampukan ni Marian Rivera kapareha ang bagong Kapuso recruit na si Rafael Rosell. Mapapanood din sa Pinoy version ng Coffee Prince sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BENCH UNIVERSE

COFFEE PRINCE

DIYOS

IBABALIK

JUAN MANUEL MARQUEZ

KAPUSO

KOREANOVELANG TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with