^

PSN Showbiz

Aiza hindi na talaga pinakawalan ang 'Protégé'

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Napaka-swerte ng minentor ni Aiza Seguerra sa kauna-unahang season ng Protégé na si Krizza Neri. Hindi lamang niya ito naipagprodyus ng album, makakasama rin niya ito sa kanyang anniversary concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Beinte Singko sa September 28. Magsisilbi itong malaking tulak sa career nang nagsisimula pa lamang na singer dahil pawang malalaki at sikat na performer ang kinuha ni Aiza para makasama sa concert tulad nina Tito, Vic & Joey, Martin Nievera, Gary Valenciano, The Company, ASAP Sessionistas Bayang Barrios, Color It Red at marami pang iba.

Maraming nakasali sa Protégé ang iniwan na ng kanilang mentors makatapos ang contest pero, si Krizza talagang tinutulungan ni Aiza na sumikat. Kaya ba sila natsi-tsismis?

Angel nakahanap ng fountain of youth

Napaka-suwerte nitong si Angel Aquino. Sunud-sunod ang pelikula niya at lahat blockbuster. Hindi lamang siya in demand sa indie kundi maging sa mainstream. At napaka-suwerte niya dahil parang natagpuan niya ang fountain of youth.

Ang itsura niya hanggang ngayon ay parang nung nagsisimula lamang siya. Parang hindi umuusad ang panahon sa kanya. Kundi mo makikita ang mga grown-up children niya, ‘di mo malalaman na nagdaragdag din siya ng edad. Ang maganda sa kanya, she has become a better and prettier actress sa pagdaraan ng panahon,

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANGEL AQUINO

ARANETA COLISEUM

BAYANG BARRIOS

BEINTE SINGKO

COLOR IT RED

GARY VALENCIANO

KRIZZA NERI

MARTIN NIEVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with