^

PSN Showbiz

Isa pang kapuso actor, nakabuntis din?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: May matinding twist na dapat abangan sa gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break mamayang gabi.

Wala kaming ideya kung ano ito pero tiyak na ikagugulat daw ng mga mentors at ng kanilang protégés.

Kaya ngayon pa lang ay kinakabahan na sila kung ano ang gagawin nila kung kakayanin ba nila ang mangyayari sa elimination.

Pero bago iyan, magkakaroon muna ng duo dynamic showdown na kung saan magpi-perform ang pares ng magkaibang team.

PAK : Kung dini-deny ni Patrick Garcia ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend, ganundin si Dion Ignacio na napabalita rin noon na nabuntis din daw nito ang non-showbiz niyang girlfriend.

Isinusumpa talaga ni Dion na hindi totoo ang intri­gang nakabuntis siya, at never daw talaga mangyari ‘yun.

Tinanong namin ito kung may girlfriend ba siya ngayon; medyo matagal itong nag-isip at sinagot kami ng “wala”.

Si Dion ang leading man ni Bela Padilla sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Magdalena.

Magku-concentrate daw siya ngayon sa kanyang trabaho, at hindi sa lovelife dahil binigyan uli siya ng GMA 7 ng pagkakatong magbida sa isang drama series.

BOOM : Nabahala rin ang showbiz sa nangyaring lindol sa ilang bahagi ng Kabisayaan kamakalawa ng gabi.           

Nag-tweet ang ilang celebrities na nasa Cebu nung mga oras na iyun dahil sa lakas ng lindol na naramdaman nila.

Tweet ni Iwa Motto : “#earthquake here in Cebu…Got really scared!”

Kasama ni Iwa doon sa Cebu si Will Devaughn dahil nagsu-shoot pala sila roon ng isang indie film para sa Cinema One.

Si Diva Montelaba naman na nasa taping ng Aso Ni San Roque ay ala­lang-alala sa mga kamag-anak niya sa Cebu.            

Sa Minglanilla raw sila sa Southern part ng Cebu at naramdaman daw nila ang malakas na lindol.

Nung nakausap namin si Diva, worried daw ito dahil may Tsunami alert pa raw sa kanila.

Kaya patuloy daw siyang nagdarasal na maging safe lang ang mga kamag-anak niyang nakatira sa Cebu.

vuukle comment

ASO NI SAN ROQUE

BELA PADILLA

BIG ARTISTA BREAK

CEBU

CINEMA ONE

DAW

DION IGNACIO

IWA MOTTO

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with