^

PSN Showbiz

Pero gustong ilihim ng pamilya kilalang aktor may matinding karamdaman

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Punung-puno ng emosyon ang gala night ng Protégé: The Battle For the Biggest Artista Break dahil sa pagkatanggal ni Reese Tayag ng North and Central Luzon.

Si Ricky Davao ang mentor nito at mabigat para sa kanya na dalawa na lang ang aalagaan niya sa naturang reality talent search.

Muling haharap ang labing apat na protégés sa panibagong challenge at hirap pa rin silang tanggapin na merong nalalagas sa kanila tuwing Linggo.

Abangan ang mga latest update sa mga protégé sa Inside Protégé na hino-host ni Jennylyn Mercado. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng One True Love.

PAK: Ngayon pa lang ay gusto nang ma-feel ni Manay Lolit Solis ang Pasko, kaya gusto niyang makarinig ng mga Christmas carol sa kotse niya.

Pero pagsakay nito, pina-play niya agad sa driver niya ang Christmas album pero biglang tumigil ito dahil nasira ang CD.

  Pinaka-type pa naman niyang pakinggan ang collection ng Christmas songs na pinamimigay ni Dr. Vicki Belo.

BOOM: Isa sa mga araw na ito ay mababalitaan din natin ang tungkol sa kalagayan ng kilalang aktor na naka-confine ngayon sa hospital.

Ayokong manggaling sa akin ang kumpirmas­yon at baka inililihim pa ng pamilya kung ano ang nangyari sa aktor na ito.

Masyadong malihim kasi ang aktor na ito kaya mas gusto niyang huwag nang gawing isyu ang nangyari sa kanya.

Ang payo ng kanyang doktor ay bed rest muna, kaya hindi na siya matutuloy sa bagong drama series na may pagka-fantasy na sisimulan nito.

vuukle comment

BATTLE FOR THE BIGGEST ARTISTA BREAK

DR. VICKI BELO

EACUTE

INSIDE PROT

JENNYLYN MERCADO

MANAY LOLIT SOLIS

NORTH AND CENTRAL LUZON

ONE TRUE LOVE

REESE TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with