^

PSN Showbiz

Pacman mamimigay ng P1M sa America

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Halos isang milyong piso pero in US dollars ang ipamimigay ni Congressman Manny Pacquiao sa show ng Manny Many Prizes sa Universal Studios sa Sept. 16.

Handang-handa na ang mga Pinoy sa Amerika na sumugod sa Universal Studios dahil sa kagustuhan nila na sila ang mag-win ng US$20,000.

Hindi magsosolo si Papa Manny sa pamamahagi ng mga premyo dahil sasamahan siya sa US nina Paolo Contis, Rhian Ramos, at Dingdong Dantes.

Mapapanood sa Pilipinas ang US show ng Manny Many Prizes dahil ipapalabas ito sa GMA 7.

Sustento ni Marky sa anak kinontra ng dating karelasyon

Nag-react si Girlie Sevilla sa pralala ni Marky Lopez sa presscon ng Sana ay Ikaw na Nga. Nagkuwento si Marky sa mga reporter na regular ang pagbibigay niya ng sustento sa lovechild nila ni Girlie at madalas ang kanyang pagbisita sa bagets.

 Iba ang sabi ni Girlie, wala raw sustento na natatanggap mula kay Marky ang kanilang anak. Hindi rin dinadalaw ng daddy ang bata at hindi sumasagot si Marky sa mga text at phone call.

 Matagal nang hindi active si Girlie sa showbiz pero lumalabas pa rin si Marky sa mga teleserye ng GMA 7 bilang kaibigan ng bida.

Hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa at naungkat uli ang kanilang nakaraan sa presscon ng Sana ay Ikaw na Nga. Kinumusta kay Marky ng mga reporter ang status ng relasyon nila ni Girlie at base sa kanyang mga kuwento, nagpa-practice siya ng responsible fatherhood na hindi ikinatuwa ng ex-dyowa niya.

Matagal ko nang kilala si Girlie dahil anak siya ng aking friend, si Madame Violet Sevilla ng Violet Films.

Nasubaybayan ko ang pagsisimula ng showbiz career ni Girlie, pati na ang mga nangyari sa love life nila ni Marky.

Between Girlie and Marky, mas naniniwala ako kay Girlie dahil walang reason para gumawa siya ng kuwento laban sa tatay ng kanyang anak. Naimbiyerna lang talaga si Girlie sa kanyang mga nabasa dahil hindi raw ganoon ang trato ni Marky sa kanilang anak.

Richard apektado sa pakikipaghiwalay kay Sarah

Nalungkot si Richard Gutierrez dahil nag-last taping noong Miyerkules ang Makapiling Kang Muli.

  Sad si Richard dahil mami-miss niya hindi lamang si Sarah Lahbati, kundi ang co-stars nila sa Makapiling Kang Muli na napamahal sa kanya.

Nang umpisahan noon ni Richard ang taping ng primetime show niya sa GMA 7, nagsalita siya noon na masaya sa set kaya stress-free ang work nila. Hindi lamang si Richard ang nalungkot dahil affected din ang kanyang co-stars na naging mga kaibigan na niya.

Zsa Zsa hindi papasa sa stem cell treatment

Hindi na puwede si Zsa Zsa Padilla sa stem cell therapy dahil sa kanyang Stage 1 kidney cancer kaya hindi na matutuloy ang biyahe nila ni Dr. Vicki Belo sa Germany.

Ipinaliwanag sa akin ni Mama Vicki na baka may maiwan na cancer cell sa katawan ni Zsa Zsa na posibleng maging active kapag sumailalim siya sa stem cell procedure. Alam n’yo naman ang mga cancer cell, para silang mga tao na maldito. Habang pinipigil, lalong nanggigigil.

vuukle comment

BETWEEN GIRLIE AND MARKY

DAHIL

GIRLIE

MAKAPILING KANG MULI

MANNY MANY PRIZES

MARKY

UNIVERSAL STUDIOS

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with