^

PSN Showbiz

QC magkakaroon na ng kauna-unahang filmfest

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa layuning makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino, ilulunsad na ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC), sa ilalim nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Ma. Josefina G. Belmote, ang QCinema: 1st Quezon City Film Festival.

Ang filmfest ay kauna-unahang proyekto ng QCFDC para mapabuti at maengganyo pa ang lagay ng filmmaking sa mga nasasakupan sa Quezon City.

Para sa flagship project, magbibigay ang komite sa tatlong (3) mapipiling independent film projects ng grant na P800,000 bawat isa. Kailangan lamang na kahit isa sa mga bubuo ng pelikula ay mapapatunayang residente ng lungsod ng QC bago lumahok sa kumpetisyon.

Ang mga entry ay maaaring isumite hanggang July 31. Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa Facebook page ng QCFDC o tumawag sa 444-7272 loc. 8208 at hanapin si Giana Barata para sa contest mechanics, application form, at iba pang kailangang dokumento. 

Kapag kumpleto na ang mga form na ipapadala kasama ang film script, may soft at hard copy, ay saka i-e-mail sa [email protected] o dalhin mismo sa Office of the Vice Mayor, 2/F Legislative Wing Building, Quezon City Hall.

vuukle comment

F LEGISLATIVE WING BUILDING

GIANA BARATA

JOSEFINA G

MAYOR HERBERT BAUTISTA

OFFICE OF THE VICE MAYOR

QUEZON CITY

QUEZON CITY FILM DEVELOPMENT COMMISSION

QUEZON CITY FILM FESTIVAL

QUEZON CITY HALL

VICE MAYOR MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with