^

PSN Showbiz

Na-trauma talaga kay Piolo? Gusto rin munang makilatis ang susunod na makakarelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Excited na raw muling umibig si KC Concepcion pero magiging maingat na siya ngayon pagdating sa pag-ibig.

“Marami akong natutunan. So right now I’m being very careful lang talaga. I’m excited to fall in love again,” nakangiting pahayag ni KC.

Pero aniya, mahirap ding isingit ngayon ang buhay pag-ibig sa rami ng ginagawang proyekto ng dalaga.

“Recently parang nag-decide ako na non-showbiz guy ang maganda for me. Ang hirap ngayon. I didn’t think nga na talagang magtotodo-todo ako sa trabaho. I’m hosting, I’m singing, I’m dancing, and acting. So it’s really hard. This is really my world right now. So, medyo mahirap, unless maghanap ako rito sa mundong ito, but for now, wala pa run,” paliwanag ng dalaga.

Ang gusto ni KC ay kung sino man ang kanyang susunod na makakarelasyon ay iyon na rin ang kanyang makakatuluyan at makakasama habangbuhay.

“Kasi ’di ba magiging kayo ’tapos magbi-break, ayoko na. That’s why I’m careful right now. I don’t want to be hurt again. I wanna have fun right now,” giit pa ni KC.

Kamakailan ay napabalitang nagkita sa Pilipinas ang aktres at ang British band member ng Blake na si Jules Knight. Nakapag-dinner date na rin ang dalawa noon pero saan nga ba humantong ang kanilang relasyon?

“He knows. It’s very clear na I said, I’m really busy at work right now. A very close friendship is the best I can offer you right now. At least honest ako at wala akong pinapaasa. He doesn’t live here so, it’s always hard naman to sustain long distance relationships. Maganda ’yung nakakasama mo, makikilala mo pa ng husto. At this point, gusto ko na talagang makilala ’yung tao ng husto. I would love to end up with a handsome guy inside and out,” makahulugang pagtatapos ni KC.

Piolo hindi pa uli ready sa panibagong relasyon

Huling linggo na ngayon ng teleserye nina Piolo Pascual at Jericho Rosales na Dahil sa Pag-ibig. Magtatapos na lamang ang kanilang show ay hindi pa rin mawala-wala ang isyung may kumpetisyon sa pagitan ng dalawang aktor.

“Siguro kung naibigay sa amin itong project na ito, five years ago or ten years ago when we were younger, siguro mapi-feel mo ’yung competition. Now nagma-mature kami sa edad at showbiz, it’s become more relaxed. Ang laking advantage na matagal na kami sa industriya at hindi na namin kailangang makipagkumpitensya sa isa’t isa.

“Ang importante nagbibigayan kami. Maganda na nagkatulungan kami at hindi kami nag-compete sa isa’t isa,” paliwanag ni Piolo.

“I said before bago namin tinanggap ang show na team work talaga ang kailangan. Kailangan ng magandang partnership para maganda ang lalabas at ’yun nga ang lumabas,” sagot naman ni Jericho.

Samantala, pagdating naman sa buhay ng pag-ibig ng dalawang aktor, aminado si Jericho na masaya siya ngayon sa relasyon nila ng kasintahang si Kim Jones.

Si Piolo naman ay mas pinagkakaabalahan ngayon ang lahat ng kanyang trabaho at hindi pa handang muling pumasok sa isang relasyon.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

JERICHO ROSALES

JULES KNIGHT

KIM JONES

MAGANDA

NOW

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SI PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with