^

PSN Showbiz

Enrique, papasa ang girl na TH magluto

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Masayang-masaya si Enrique Gil sa tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon. Noon ay inakala niyang walang mangyayari sa kanyang nasimulan pero sulit naman ang kanyang naging paghihintay.

“Noon kasi dapat ilo-launch kami ni Jessy Mendiola pero hindi natuloy. Isang year yata akong walang ginagawa. Parang ah, tapos na, wala na, baka stop na lang pero I believe everything happens for a reason. So after noon, Shoutout came out, Good Vibes, dire-diretso. Kapag binigyan ka ng trabaho siguro own it lang. ’Yung saying ko, ‘Huwag kang mag-artista, maging aktor ka,’” kuwento ni Enrique.

Marami rin ang kumuwestiyon sa binata ng maging host ng isang youth-oriented program noon.

“Wala naman kaming ginagawang masama, saka si­guro hindi naman ako ganun kasama mag-host sa Shoutout. So, parang, ‘Guys, ginagawa ko lang ang pinapagawa sa akin. Support na lang,’” dagdag pa ng binata.

Sa ngayon ay walang kasintahan si Enrique dahil hindi pa siya handa na muling pumasok sa isang relasyon.

“I don’t know yet. Hindi ko masasabi ’yun. I am enjoying now but if somebody comes and everything is in the right place, and if it feels right puwede na si­guro. Kahit ’di marunong magluto, basta trying hard magluto para mapasaya ka, okay na ’yan. Gusto ko malambing. Simple,” pagde-describe pa ng aktor.

Samantala, ilang taon ng patay ang ama ni Enrique pero ayon sa aktor ay nami-miss pa rin niya ito hanggang ngayon.

John hinahanap ang tunay na Kuya

Isa si John Prats sa mga naging housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition noong 2006. Ngayon ay muling nagbalik si John sa PBB pero bilang isang host naman ng Uber 2012 tuwing hapon kasama nina Robi Domingo at Bianca Gonzalez na kapwa naging housemates na rin noon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita at nakikilala ni John kung sino talaga si Big Brother o si Kuya.

“Wala talagang nakakakilala sa kanya ng personal at nananatiling mystery. Walang nagsasabi sa akin. Gusto ko nga siyang makita eh kasi kapag pumasok kayo sa PBB house talagang kahit naman kaming mga host, meron din kaming mga restrictions kung saan lang kami at hindi naman kami puwedeng labas-pasok talaga sa loob ng bahay ni Kuya. May mga area lang talaga na puwede. Mystery talaga si Kuya kasi hanggang ngayon tina-timing-an ko pero hindi ko pa rin masabi kung sino siya,” paglilinaw ni John.

Gustung-gusto talagang makilala ng personal ni John si Kuya pero wala talagang pagkakataon. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

BIG BROTHER

CELEBRITY EDITION

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

GOOD VIBES

JESSY MENDIOLA

JOHN PRATS

KUYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with