^

PSN Showbiz

Female singer gustong maging lalaki, nagpa-inject ng male hormones

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Kung si BB Gandanghari ay gustong maging babae, kabaliktaran naman pala ito sa gusto ng isang isang female singer. Gusto naman pala nitong maging lalaki.

Yup, you read it right, nagpa-inject daw ito ng male hormones para tuluyan nang maging macho ang hitsura at magkaroon ng male behaviors.

Kaya nga raw kung mapapansin ninyo, iba na ang hitsura ng katawan nito. Apektado rin daw ang boses nito dahil sa mga itinutusok sa katawan nito.

At hindi lang pala ito isang beses nagkaroon ng girlfriend. Yes as in babae ang nakarelasyon at hindi lalaki.

Sayang itong singer na ito ha. Sinayang niya ang opportunity na dumating sa kanya.

Nawa’y hindi agad siya malaos sa mga pinaggagawa niya sa buhay.

Toni malaki ang investment

sa kanyang hitsura!

Belofied na si Toni Gonzaga. Ang maganda at bubbly na TV host, singer at actress ay kabilang na sa mga bigating pangalan bilang celebrity endorser ng Belo Medical Group.

Marahil ay iisipin ng marami na sa flawless niyang complexion at mala-modelong katawan, ano pa ang kailangan ni Toni. Simple lang ang sagot niya, maintenance.

Alam ni Toni na ang kanyang looks at appearance ay mala­king investment niya sa industriyang kanyang kinabibilangan. Importante na pangalagaan mo ang iyong itsura, katawan at mukha dahil ito ang iyong puhunan.

‘‘Trabaho natin na maging maganda. So, hindi magsasawa ang mga fans na makita tayo all the time. Inspirado rin silang maging maganda at alam nilang magagawa nila iyon sa Belo.’’

Excited si Toni sa mga billboards ng Belo kung saan siya lalabas. ‘‘Classy and sophisticated ang mga billboards ng Belo Medical Group. Dala nito ang type of image na matagal ng kilala sa kanila.”

Bago pa man siya maging endorser ay matagal ng customer ng Belo si Toni. Favorite niya ang body scrub, facial at laser hair removal — ang treatment na kasalukuyan niyang ini-endorse. Alam niya na kung gusto mong ma­ging smooth at flawless, kailangan ay hair-free ka. Ito rin ang finishing touch mo sa pagkakaroon ng perfect glow.

Bilang isang bonafide member ng Belo fa­mily, nasusubukan na ngayon ni Toni ang mara­ming mga treatments ng clinic para maging in top shape siya sa kanyang ap­pearance.

vuukle comment

ALAM

APEKTADO

BELO

BELO MEDICAL GROUP

BELOFIED

BILANG

MAGING

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with