^

PSN Showbiz

Marian ayaw patulan ang pananampal ni Katrina

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natuloy kaya ang meeting ni Katrina Halili kahapon kay Ms. Lilybeth Rasonable? Tungkol sa tweets niya patungkol kay Marian Rivera sa set ng My Beloved ang pagpapatawag ng bossing ng GMA 7 kay Katrina at tsika sa amin, pinabubura ang mga nauna niyang tweets at pinatitigil nang mag-tweet.

Pero nang silipin namin ang Twitter account ni Katrina, mababasa pa rin ang series of tweets niya na kahit walang name na binanggit, alam kung kanino siya may isyu. May naniniwalang inunahan lang ni Katrina si Marian at ang staff ng My Beloved sa nangyari sa taping last April 13.

Tinotoo raw nito ang pagsampal kay Marian, gayung ang usapan ay dayang sampal ang gagawin. After ng eksena, deretso raw si Marian sa tent nito at nagsunuran ang staff, cast at pati si Direk Dom Zapata para i-tsek si Marian at naiwan si Katrina. Kinabukasan, may series of tweets na si Katrina.

Ayaw magsalita ni Marian, ang manager na si Popoy Caritativo ang nag-issue ng statement, pero sino ba ang dapat magsalita para malaman ang totoong nangyari noong April 13?

Open sa kampo ni Marian, Katrina, at mga taga-My Beloved ang kolum na ito!

Kris tumigil na sa pagti-tweet, sinunod ang payo  ng mga kaibigan

Nami-miss ng kanyang followers sa Twitter si Kris Aquino dahil tumigil na ito sa pagtu-tweet da­hil sa payo ng mga taong malapit sa kanya. Sa kanyang Kris TV at biglaang interview na lang nakikibalita sa kanya ang fans.

Anyway, tuluy-tuloy ang taping ni Kris ng teleser­yeng Kailangan Ko’y Ikaw  at Kris TV.

May bago na naman palang e ndorsement si Kris at sa Friday ang shoot niya ng TVC na inililihim pa ni Kris kung ano.

Dennis hirap maglagare

Hirap si Dennis Trillo sa paglalagare sa shooting ng mga pelikulang Boy Pick-Up at Ang Katiwala na entry sa 2012 Cinemalaya dahil sobrang magkaiba ang kanyang role at karakter.

Sa Boy Pick-Up, siya si Bagwis, kontrabida kay Ogie Alcasid at BF ni Sarah Lahbati. Sa Ang Katiwala, taga-barrio ang karakter niya at kailangang paitimin.

Mabuti na lang at hindi sumasabay sa schedule ni Dennis ang ta­ping ng Biritera, but at least, hindi kailangang baguhin ang hitsura niya.

Masaya ang actor sa balitang extended ng ilang weeks ang te­leserye niya sa GMA 7.

Bea at Jake wala pang kasunod na show

Congratulations sa mga bida ng Alice Bungis­ngis na sina Bea Binene at Jake Vargas dahil sila ang napiling Most Promising Love Team ng Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

Tiyak na matutuwa ang fans nina Bea at Jake sa bagong award ng favorite love team nila at hindi sila nagkamali nang susuportahang tambalan. Kaya lang, mukhang mababawasan ang shows ng da­lawa dahil malapit nang matsugi ang Tweenhearts at wala pang balita kung ano ang susunod nilang soap after Alice Bungisngis.

vuukle comment

ALICE BUNGIS

ALICE BUNGISNGIS

ANG KATIWALA

BEA

BEA BINENE

BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

BOY PICK-UP

DENNIS TRILLO

DOM ZAPATA

MY BELOVED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with